1 - Train

15 0 0
                                    

Vielle's Point of View

"Hoy LeeAnn!"muntikan na akong mahulog dito sa inuupuan ko dahil sa sumigaw."Ano ba yan nay!pano pag namatay ako dahil sa gulat?!paano na lang yung kinabukasan niyo?yung pag-aaral ni---"napasimangot  ako ng mag lakad sila palayo sakin huhu.

"Hoy!nay!ayen!friedchicken na may bird flu!francisco bumalik nga kayo dito jokjok lang yun"pagbibiro sakanila.Apat na batok naman ang natanggap ko sakanila pagkaupong pagkaupo nila huhu."Arouchiee~child abuse kayo ah!"sigaw ko sakanila habang hawak hawak yung likod ng ulo ko huhu.

"Child ka?child ka?ha?"tanong ni ayen na nang aasar huhu"oo bakit angal ka?suntukan nalang oh?!"pambibiro ko sakanya at kunwaring hinahamon siya.

"Opopop!tama na yan baka ako sumuntok sainyo diyan dudugo pati mga utak niyo"pagbabawal ni nanay max kaya tumigil kami wala e si nanay yan eh haha gurang kasi.

Ayy oo nga pala bago mahuli ang lahat haha jok lang di ako pwedeng mahuli maganda ako. Ako nga pala si Vielle LeeAnn Tan mula sa lugar kung saan sumasabog ang gas,mahal ang bigas at super duper daming mandurugas...Philippines!!!hahaha echos lang yun.Sa totoo lang yan ang ginamit ko nung grade 6 ako sa probinsya namin nung naglead ako ng flag ceremony hulaan niyo kung anong sunod?bwahaha ayun pinalabas ako buong maghapon ng teacher ko huhuhu.

May apat akong tatangang kaibigan oo tama kayo tanga sila sushunga shunga wala eh di nagman sakin eh.Ang pinakamatanda samin si Nanay Max, Maxine Kim, ang gara ng pangalan eh no?anak mayaman kasi kaya ganyan.Half korean-half shunga este filipino haha.Kailangan ko pa bang ipakilala lahat?(yes)ay bakit?may bibig sila bat di sila yung magpakilala sa mga sarili nila?!ako nga nung grade 3 ako paos na paos nako halos wala ng lumalabas na boses sa bibig ko pero pinilit akong magpakilala bat sila!?ang unfair!(Hindi namin tinatanong)arouch na realtalk pako ah!sinasabi ko lang eh!galit agad!?

Ok ok dahil hindi nako sinasagot ni author haha muntanga lang eh no?haha.Siya pinakamayaman samin kailangan paba yun?sige next na ah?haha.Si Ayen aching,haha Ayen Monteverde, may half din yaneh nakalimutan ko lang kung ano hehe, siya din yung musician namin.Maraming alam yan sa music.Minsan kumakanta siya at sumasayaw.Wala nakong masyadong alam sakanya eh haha.Siya minsan pinakaseryoso samin kaya madalas ko langsiyang awayin hehe.

Tapos si Friedchicken joy bird flu haha, Cyune Joy Anderson, taray ng mga pangalan nila no?haha gaya ng sabi ko mga anak mayaman eh!hahaha.Si bird flu naman ay kababata ko simula bata kaya nga bata diba?haha.Yung mama ko at mama niya ay mag bestfriend non tapos yung daddy niya at yung mama ko naging sila dati hahahahaha!!wag na natin pagusapan yun baka multuhin ako ni mama eh!

Tapos si bakla hayst!huwag na natin to!wagsiyang paimportante ha!haha.Si Francisco Isco, Fiedel Kyle Francisco, yung pangalan ang bangis pero malambot pa samin haha!ang totoo diyan napulot lang talaga namin siya dun sa may ilalim ng overpass haha joke!Siya lagi kong inaaway kahit wala ako sa mood eh.Sila nalang ni kuya Fred ang magkasama dahil si tito wala na tapos yung mama naman nila nangibang.....bahay haha.Oh ano may gusto paba kayo malaman?!pagod nako huhuhu!maawa naman kayo sakin kahit piso lang naman oh!

"Wala pa ba kayong balak bumili ng pagkain?"tanong ni ayen the great."Tara bili tayo bakla!"masayang sabi sakin ni Isco.

"Bili lang walang tayo"sabi ko at iniwan siya don.Haha.Kasi pag nagtagal pako dun matatanggal na yung batok ko haha.Pagdating ko dun ay umorder ako ng limang order ng sinigang na aso't pusa joke haha baboy yun atsaka ng kanin.Si Isco naman dun sa tubig namin.Mayaman sila pero mas trip nila yung mga ganito hindi katulad ng mga iba na puro restaurant tsk.Oo sila lang dahil hindi ako mayaman wala nga akong pambayad sa kuryente ng dorm ko eh!pagkadating ko ay agad ko ng inilapag yung binili ko atsaka na umupo at nagmukmok ulit.Dami kong problema hayst!"KAIN NA TAYO!!!"masayang sigaw ni isco kaya nagsitinginan yung mga tao samin."Kain lang walang tayo"pambabara ko ulit sakanya.

Don't Say GoodbyeWhere stories live. Discover now