note for jemjem : dapat sa birthday mo pa to ipopost ko, kaso baka saniban nanaman ako ni katamaran, at makalimutan ko ang scene :)
Maria Jeremy Santos - Girl
Ciel Lou - Boy
Kyle Valle - Boy
Cloud Valle - Boy
marami kasi ang nalilito sa names nila kaya nilagay ko na.
_______
JEREMY'S NARRATION
"lagi mo lang titigan ang crush mo, para makuha mo siya"
yun ang sinabi saakin ng manghuhula ng school "kuno" namin.
Naisip ko tuloy, baka pinagtitripan lang ako ng babaeng to, paano ko naman siya makukuha kung titigan ko lang?
Ikaw ba? May nakuha ka ng bagay na tinitigan mo lang?
______
"pansin ko lang, araw araw mo yatang tinititigan yang si Ciel? akala ko ba hindi mo na yan crush? wag mong sabihin na " pabulong na sabi saakin ng pakialamero kong bestfriend na si Kyle Valle
pero syempre bago pa niya matapos sasabihin niya ay tinakpan ko na ng tissue bibig niya, sakto naman kasing may hawak akong tissue dahil sa sipon ko.
"wag ka ngang maingay, baka marinig ka niya" pabulong ko ding sabi sakanya matapos kong isalpak yung tissue
"yuck! you.are.so.gross.Maria.Jeremy" tinitigan niya ako ng masama habang mariin na pinupunasan ang kanyang mukha.
kahit kelan talaga oa to, malinis pa kaya yung tissue, hindi naman used tissue ang isinalpak ko sa bibig niya e.
"ANO BA? MAGHAHARUTAN NALANG BA KAYO DYAN?" grabe ang pagkagulat ko sa sigaw ni Cloud na halos napahawak pa ako sa may didib ko.
As usual nakabusangot at magkasalubong nanaman ang kilay niya. Naadapt niya siguro sa pagiging Lieutenant niya sa ROTC ang pagsigaw niya.
"Sir yes sir!" pabiro naming sigaw ni Kyle habang nagpipigil ng tawa.
Habang buhay na yatang highblood 'tong si kuya Cloud este Cloud, sabi niya kasi Cloud nalang daw dahil same age lang naman kami mas nauna lang siya mag-aral saamin ni Kyle.
Medyo nakakapagtaka nga dahil kambal sila ni Kyle pero mas nauna siya mag-aral? ang gulo right?
Anyway, naglalakad na kaming tatlo pauwi ng bahay since magkakapit bahay naman kami.Pilit nalang naming iniintindi ang pagkahighblood ni Cloud dahil alam naman namin na epekto lang yan ng break-up nila ng girlfriend niya nung isang linggo
"ayusin mo nga yang buhok mo, ang gulo gulo!" naiinis na sabi ni Cloud sabay ayos ng bangs ko
"pasensya naman, hindi kasi mahangin dito sa labas" masyadong maayos slash super linis kasi sa sarili niya tong si Cloud kaya lagi kaming sinisita kapag may mali sa ayos namin ni Kyle, ultimo kulangot ko nga napapansin niya
"hayaan mo na, intindihin mo nalang" bulong naman saakin ni Kyle tsaka ako inakbayan para mauna na maglakad
'yeah right' yun nalang nasabi ko sa isip ko sabay roll eyes
kailan ba kasi makakapagmove-on tong mokong na to... psh! pati kami nadadamay e
di naman yan ganyan dati, nung nag-break lang talaga sila ng girlfriend niya naging mainitin yan :(
BINABASA MO ANG
NAKUHA SA TITIG (one shot)
Short Story"Lagi mo lang titigan ang crush mo, para makuha mo siya"