Buhay

55 4 0
                                    

Nakalakihang pamilya, akala ko'y maganda na
Yun pala'y kabaliktaran lang pala
Imbis na saya
Buhay ko'y puno ng paghihirap at pangungutya,

Akala ko'y maswerte na
Yun pala'y hindi
Pagkat pagkatao ko'y inapak-apakan
Puso ko'y napuno ng galit at poot

Ngunit kahit ganoon pa ma'y
Ni minsa'y di gumawa ng mali sa kanila
Dahil sa Diyos ako'y nagiging matatag
Na kahit ano mang pang-iinsulto ang ibato sa aki'y
Di patitinag

Buhay kong puno ng paghihirap at pasakit dulot ng ngayon
Saya at tagumpay ang dulot ng bukas
Lahat ng paghihirap at pasakit ay kakayanin
Basta't nandyan ang aking magulang at ang Diyos.

My PoemsWhere stories live. Discover now