IDOL

51 5 0
                                    


Noong una kitang napanood
ako'y namangha sa'yong galing sa pag-arte,
pagkanta, pagsayaw, at higit sa lahat sa'yong ganda

Araw-araw, gabi-gabi
Ika'y aking inaabangan baka sakaling
ipalabas ka sa telebisyon
Hindi kompleto ang araw ko
kapag hindi ko nakikita mga larawan mo

Ako'y lubos na humahanga sa'yo
dahil ika'ymatatag, mapagmahal, magalang, mabait, tapat, responsable,masayahin, masipag
at higit sa lahat may takot sa Diyos

Minamahal kita ng lubos, Idol
nangangarap na sana ika'y aking makita,
makayakap at maka-usap man lang kahit saglit

Sa t'wing nakikita ka sa telebisyon
Ibang iba na ang aking nararamdaman
pakiramdam ko'y parang ako'y nasa langit

Mga tawa't kanta mo'y
kay sarap pakinggan
Ang ganda mo'y parang bulaklak
na sa paggising mo sa umaga'y kay ganda't kay sarap pagmasdan

Hanggang ngayon
Ako'y umaasa at nangangarap
na sana'y balang araw makakasama din kita
Hanggat ako'y nabubuhay
Ikaw lang ang aking nag-iisang IDOLO

My PoemsWhere stories live. Discover now