i

8 0 0
                                    

Pagsisisi

Naaalala mo pa ba? Unang usap mo sa akin noon.
"Hi po!" Ang saya saya mo pa. Bakit ngayon ganto na?

Unang kita ko palang sayo sabi ko na sa sarili ko "mukhang masarap to mahalin ah" legit yan. Tinago ko sa sarili ko ang mga nararamdaman ko sayo ng matagal na panahon, wala kasing pabor sayo sa mga kaibigan ko.

Sa bawat araw na nagkikita tayo sa locker, laking pasalamat ko na nakishare ako sa isa kong kaklase para mailagay ang ibang kuwaderno ko na halos katabi ng locker mo.

Ang saya saya ko rin ng kausapin mo akong "ate dalhin ko na bag mo" dinala mo nga hanggang pagbaba. May mga nakakasalubong tayo na kumakaway sa akin at dahil dun ay sabi mong "wow peymus no" di ko alam pero kinilig ako don.

Niligawan mo na ko. Ang bilis ng nga pangyayari. Hindi ko alam pero sobrang saya ko ng mga panahong iyon, kahit maiksing panahon lang at least napasaya mo ako. Kagaya nga ng sabi ko walang may gusto sayo sa mga kaibigan ko, kaya tinanggihan kita non. Masakit para sa sarili ko. Hindi ko alam bakit sumunod ako sa mga kaibigan ko. Grabe sobrang lungkot mo non. Malungkot rin ako, di ko lang pinapakita.

Isang gabi, ngayon ngayon lang, chinat mo ako. "Okay naman pero nagb-breakdown." Ang sagot mo sa akin ng tanungin kita kung kamusta ka na. Sobra uli akong nalungkot. Akala ko masaya ka. Hindi pala. Naiyak ka pa rin pala.

Ngayon nagsisisi na ako. Bakit kita sinayang? Bakit hindi ko nakita ang halaga mo? Bakit hindi ko sinuklian ang pagmamahal na binigay mo sa akin. Sobra na akong nagsisisi. Sayang. Bakit ang tanga tanga ko?

Kanina, nakasabay kita sa jeep. Ang dami kong naiisip non. Gusto mo pa kaya ako? Sinadya mo bang makasabay at makatabi ako? Hanggang sa bumaba ka na. Ambilis lang non pero gusto kong mas mahaba pa don. Sinundan kita ng tingin, ng bigla mo akong tignan pabalik. Ano iyon? Ano yung tingin na yun? Kahit naglalakad ka na nakatingin ka pa rin. Sana may ibig sabihin nga iyon ng masagot ang nga tanong ko.

CONFESSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon