v

6 0 0
                                    

"Sakay kayo?"

Late na rin naman ako so, why not? Umupo ako sa isang sidecar na may sakay. Hindi malaman kung sino ang makakatabi. Si dinami-dami ba naman ng kapitbahay natin, sa tingin mo magkakasabay pa tayo?

Kaso nakisabay ang ihip ng tadhana. Nakita kitang lumabas ng bahay ninyo. Nauna kang sumakay pero hinintay ako ng sidecar. Pwede naman daw kasing sumabay.

Nakaupo lang ako nun. Andami ko pang dala kaya ang awkward ko. Habang inaayos ko ang gamit ko ay halatang na-awkward-an ka na rin. Ewan!

Nang maayos ko na ang gamit ko ay tinignan kita. Di ko naman inaasahang nakatingin ka rin sa akin kaya napalayo agad ang tingin mo. Syempre napangisi ako don.

Limang minuto lang tayong nasa sidecar na iyon pero bakit pakiramdam ko sobrang tagal nating nandun? Bakit ganun? Parang tayo lang no. Maiksing panahon lang pero parang napakahaba na nito para sa akin.

Bumaba na ako dahil dumating na tayo sa destinasyon natin. Ganun naman lagi eh, natatapos rin naman lahat.

Pero sa totoo lang, ayokong bumaba. Ayokong matapos ito. Parang tayo, sana hindi nalang natapos.

CONFESSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon