First Love

94 1 1
                                    

GRADE  1

Di ko pa rin makalimutan yung mukha nyang laging nakasimangot nung grade 1 kami. Naalala ko nun, panghapon kasi kami. Tas nakapila pa mga babae sa labas ng room pero yung mga lalaki nasa loob na. Hindi ko nga matandaan kung bakit eh. Hahaha

Basta, Lumabas na lang sya, nakasimangot. Naka-jacket sya nun. Tinitigan ko sya pero, manhid yata. Di man lang naramdaman na tinititigan ko sya. Hayyy. Pero ang cute cute cute nyaaaaaa.  :””>

Since Grade 1, crush ko na sya. Tuwing umiiyak ako, sya ang laging nagpapatahan sakin. Kahit madalas ang sungit nya. Binibigyan nya ako lagi ng lollipop. Ang sweet talaga. :))

Tapos, isang araw, umuulan, eh hindi kami makapasok kasi may butas yata yung bubong. Nice nga eh, private school yun ah. Tsk. Anyway. Lumipat kami sa kabilang Classroom. Sya agad hinanap ko, pero wala eh.

Biglang sinabi ng teacher na tinawagan na nila ang mga parents namin para sunduin kami. Tagal nga ni mommy eh. Wala na kong magawa sa room. Wala akong katabi so walang kadaldalan. Habang naglalaro ako magisa dun, (oo baliw) May biglang tumabi sakin, nagulat nga ako eh. Si Chad pala. Tinitigan ko sya, kasi you know, kinikilig ako Hahaha. Pero, bigla syang nagsalita

“Ang gwapo ko, Yna no?” Syet na malagkitttttt. Ang yabang nyaaaa. Pero crush ko pa rin. Hihih. Di na lang ako kumibo tutal andyan na rin sundo ko. Hihi. Basta, kinikilig ako kasi kinausap nya akooooo. :”””>

GRADE 2

Hindi kami magkaklase. How sad. :(( Grabe. Buti na lang may classmate ako na parang bestfriend nya. Kaya ayun, so ayun, balita balita balita na lang. Pero, nakikita ko pa rin sya! Ako pa. hahahaha

Field trip namin, sa Avilon Zoo. Pero bago pa kami sumakay ng bus, magulo naaaaaa. Pinapalipat kasi ako ng adviser nila Chad sa bus nila, eh syempre ako, todo Oo ako. Eto naaaa! Kaso, naman tong adviser ko eh. Di pumayag na lumipat akoooo. -____- Huhuh. Kung pwede lang umiyak, ginawa ko na. Kaso, nahiya naman po ako sa balat ko kaya hindi na lang. Oo na lang ng oo.

Nung nasa bus na ako. Wala akong katabi. Yung mga kaclose ko kasi nagtabi tabi na run. Iwan daw ba ko?! Kainis naman. Sabi nga nila, tatlo na lang kami sa dalawahang upuan. Kahit bata kami, hassle pa rin no! Kaya lumipat na lang ako. Okay lang naman. Kinakausap pa naman nila ako.

Bago umandar yung bus, nagtatatalak yung guide tska adviser namin. Hindi ko na lang pinansin. Maganda naman yung view sa labas kaya di nalang ako umimik.

“Dito na lang ako Yna, ha?” Wait Processing. Tama ba narinig ko??? Si Chad bay un? OM—

“Yna, Yna?” OMG. Kinalabit nya ko. Sya nga sya nga sya ngaaaaaaaaa!!!!

“Huh? Oo sige. Sige. Okay lang :)”

“Salamat! :D”

Teka kinikilig pa ko. HAHAHAHA

Nung medyo nakaandar na kami. Ang boring. Shet inaantok akoooooo.

 ***

“Yna, Yna? Gising ka na. Andito na tayo” Ha? Ano daw? Sino yun? Hmmm. Teka inaantok pa ko. Sarap yakapin ng unan ko. Teka, bat parang nakaupo ako?

“Ay. Hala!!” Shet. Field trip palaaaa. Ngayon ko lang naalala tas nakayakap ako kay chad. Nakakahiyaaaaa. O/////O

“Sorry sorry sorry talaga chad!!”

“Hahaha! Okay lang!” Ay. Dehferuchhud. Sana laging field trip. HAHAHA. Kinikilig akooo. Magkukunwari akong tulog mamaya. Mwahahahaha. >:))

GRADE 3

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon