Chapter 5

24 3 2
                                    

KC POV

Halos 5 days na ang nakakalipas ng piliin ako sa pageant..tuesday ngayon at sa friday na ang pageant...nasabi ko na rin to kay kuya...tuwang tuwa nga siya at sa wakas naisali na ako sa ganyang bagay kahit na ayaw ko😒... pero babantayan daw niya ako sa araw nang pageant alam niyo na Ezekiel is also there alam yun ni kuya at hindi daw niya hahayaan na hawakan ako ni Ezekiel ...daming alam ni Kuya

Nandito ako ngayon sa loob ng kotse...hinahantay ko si Kuya ..sobrang tagal naman ng lalaking yun

----------

Khris POV

Nasa loob pa ako nang bahay ngayon...nasa kotse na si KC...kinuha ko na yung susi malapit sa t.v...hahakbang na sana ako ng biglang magring ang phone...

Justine Calling

"Oh"

(Pre nagtext samin yung tangang Alalay ni Kyle...gusto ka daw niya makausap ..panigurado hahamunin ka nun..)

"Ge ihahatid ko lang si KC"

(Oy pre sasama kami ha..)

"Ge...intayin niyo ako sa office sabay sabay tayong pupunta dun...😏"

(Ge pre...)

Agad ko naman pinatay yung phone at lumabas na...

"Grabe kuya antagal mo...malelate na ako.."reklamo niya

"Ang aga pa ...kaya ihahatid kita diba.."pangaasar ko...nanahimik naman siya...

Tuesday na pala ngayon sa Saturday na ang dating nila mom...ayos na lahat kailangan ko na lang ng madaming bilang ng gangster para magbantay...mamaya ko na aasikasuhin yun kikitain ko pa yung gagong kapatid ni Ezekiel...sisiguraduhin kong bago lumubog ang araw ngayon hindi na makakalabas ng ospital yun

----------

"Bye Kuya...!"sabi ni KC at pumasok na sa gate

Agad ko namang pinaharurot ang kotse papunta sa company...gigil na gigil na akong sumuntok ng gagong hayop...

Nang makpagpark ako ay agad akong bumaba ng kotse ko at pumunta sa office...papasok na sana ako ng office ng marinig ko ang sigawan ng mga lokoloko kong kaibigan,sh*t yung mga gamit ko sa loob...agad akong pumasok sa office potek pag may nagalaw at nasirang gamit sa loob...papatayin ko talaga ang mga toh...

Nang makapasok ako

"Hey Bro..."justine

"Andyan ka na pala"andrei

"Ay wala andrei wala pa siya...guni guni lang yung nakikita mo"ang aasar ni Ryle..andito na pala tong ungas na to

"Di ba kayo marunong ma nahimik...kalalaki niyong tao.."angal ni duke

Nakabalik na pala si Ryle mga di man lang ako sinama sa pagsundo yan yung mga tunay na kaibigan...bago ko sila yayaing kitain yung hayop na ethan na yun ay tinignan ko muna ang bawat gamit nang office dahil baka mayroong kahit isang gasgas sa mga gamit ko

Ng macheck ko na lahat ay niyaya ko na silang umalis

"Saan daw kikitain yung hayop na yun?"tanong ko sa kanila

"Doon daw sa lumang bodegang pinaglabanan niyo dati"sagot ni Justine

Nang makarating kami sa park ay sumakay na kami sa kanya kanya naming kotse...agad namin itong pinaharurot papunta dun sa lumang bodega..

---------

Nandito na kami...pagkapark ko ay bumaba na ako ng kotse ...ganun din sila...nangunguna naman itong si Ryle na pumasok excited na daw siyang sumuntok...

Born to be an EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon