Simula

8 4 0
                                    

Sa isang liblib na lugar, may mag-inang nakatira, malayong malayo sa maraming tao.

"Hiro, halika muna dito. May sasabihin si nanay sayo." Tawag ng ina ni Hiro.

"Teka lang po nay at tatapusin ko po muna ito." Sagot naman ng munting binata.

Kasalukuyang tinatapos ni Hiro ang pagsisibak ng kahoy. Si Aling Nita ay may malubhang sakit at hindi na kayang bumangon kaya si Hiro na lang ang gumagawa sa lahat ng gawaing-bahay.

"Ano po yun nay?"

"Hiro, pakiabot itong sulat ko sa mahal na reyna sa kabilang kaharian. Nais kong malaman niya ang dapat noon niya pa alam. Mag-ingat ka sa mga tao doon. Kapag nakaharap mo na ang mahal na reyna, lahat ng tanong mo ay masasagot na. Tandaan mo lang lagi na mahal na mahal ka ni nanay."

"Nay, wag naman po naman kayong ganyan. Para kasing namamaalam ka na sa akin. Gagawin ko ang lahat upang gumaling ka. Pagbalik ko, babalik na din ang sigla sa iyong mga mata. May pag-asa nay wag ka lang sumuko."

"Hindi na ako magagamot anak. Malubhang malubha na ang sakit ko at malapit na akong mawala sa mundo, kaya humayo kana at iabot ang sulat ko sa mahal na reyna. Iyan ang kahuli-hulihan kong hiling sayo at sana matupad mo."

Hindi na nakasagot muli si Hiro sapagkat nag-uunahan nang lumabas ang kanyang mga luha. Wala nang malay ang kanyang itinuturing ina sa loob ng labing-apat na taon. Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ni Hiro kaya naisipan niyang maglakbay papunta sa kahariang sinasabi ng kanyang ina.

"Tutuparin ko ang huling hiling mo inay. Salamat sa lahat ng kabutihang ipinakita mo sa akin. Nawa'y gabayan mo ako sa aking paglalakbay. Paalam na aking pinakamamahal na inay."

Nagsimula nang maglakbay si Hiro papunta sa kaharian ng mahal na reyna na si Reyna Cassandra. Gabi na nang narating ni Hiro ang kaharian. Para siyang isang batang paslit na manghang mangha sa kanyang nakikita. Lahat ng bagay na sumasagi sa kanyang mata ay bago sa kanyang paningin. Nagtanong tanong sya kung papaano niya mapupuntahan ang mahal na reyna.

"Magandang gabi munting binibini nais ko lang magtanong kung papaano ko makakausap ang mahal na reyna."

"Naku, malabong mangyari yan sapagkat napakahirap puntahan at kausapin ang mahal na reyna pero may paraan pa upang makausap mo sya. Bukas ng hapon ay lalabas ng palasyo ang mahal na reyna upang maghanap ng panibagong mandirigma."

"Ganun po ba? Maraming salamat po."

Dumating na ang araw na sinasabi nang dalagita. Nasasabik na si Hiro na kausapin ang mahal na reyna at maiabot ang munting sulat ng kanyang ina.

"Magbigay pugay sa mahal na Reyna Cassandra." Sigaw ng anunsyador.

Lumabas na ang mahal na reyna at manghang mangha si Hiro sa kagandahang taglay nito.

"Mahal na Reyna Cassandra! Nais po sana kitang makausap at may mahalaga akong sasabihin sayo." Sabi ni Hiro.

Itinulak ng mga kawal ang binata papalayo sa mahal na reyna ngunit pinigilan ito ng reyna.

"Hayaan niyo siya na kausapin ako. Mga kawal umuwi na tayo sa palasyo at isama niyo ang munting binata na ito." Pigil ng reyna sa mga kawal na nagpaalis kay Hiro.

"Masusunod po mahal na reyna." Sabi ng mga kawal.

Habang naglalakad na sila papasok ng palasyo, hindi maiwasan ni Hiro na kabahan dahil sa kanyang naririnig.

"Kawawang bata. Hindi niya ba alam na bawal ang basta bastang kausapin ang reyna? Ako tuloy ang nag-aalala para sa kanyang buhay." Sabi ng isang matanda mula sa mga kumpulan ng tao.

Deception Of RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon