Chapter 15 (Reason)

6 0 0
                                    

Avi's Point of view

  Hindi ko alam kung ano o paano ko sasabihin sa kanila bakit kasi nila nalaman na nandito ako bad timing nga naman oh!

 

  Pumasok na sila at kaniya kaniya ng upo yung kambal ko naman ito hawak hawak ko yung kamay dahil kinakabahan ako...Sila Xander naman baka nasa pool or sa garden ayy oo nga pala! kilala pala nila Josh sila Xander nako naman!

  "Ano may balak ka bang magkwento?? naghihintay kami..." Mahinahon na sabi ni Lucas sabi ko na nga ba e siya yung unang magtatanong siya ang pinaka kasundo ko sa apat at siya ang unang nakakaalam kapag may problema ako pero ngayon hindi ko nasabi sa kaniya...

 

  Mga ilang minuto akong hindi umimik...nagisip isip kung paano ko sisimulan,tumingin ako sa kanila at huminga ng malim "Ganto kasi yan may balak naman talaga akong sabihin sa inyo ang tungkol sa kambal ko....pe..pero may usapan kasi kami ni Aveline e na ayaw niyang ipalam sa iba na kapatid ko siya na kambal ko siya...." Napahinto muna ako saglit at tinignan sila mukhang nagaantay ng kasunod huminga ako ng malalim at tinignan ang kambal ko na mukha ring nagaantay ng kasunod na sasabihin ko "Kaya hindi ko nasabi...wala rin siya palagi sa bahay dahil hindi sila magkasundo ng parents namin kilala niyo naman sila mommy workaholic isa din siya pasaway dati...narerebelde kila mommy yung ugali ko mas matindi pa sa kaniya ako strikto lang ako pero siya haysssss mas magaling pa ata siyang makipagsuntukan kesa sa akin....pero nangyari ang hindi inaasahan nang nasa ibang bansa ako nabalitaan kong naaksidente siya yun yung araw na may pinaimbistigahan ako sayo Jaiko at yun rin ang dahilan kung bakit ako nauwi ng maaga dito at dahil sa nangyari ang aksidente na yun wala siyang maalala,hindi siya nakakaalala ngayon... siya yung tinutukoy ko mahal ko at di ko kakayanin mawala siya yung babaeng sinabi kong handa kong patayin sila Jarence para makabawi sa ginawa niya sa kapatid ko siya si Aveline siya yung kambal ko pasensiya na di ko nasabi..." Pagpapaliwanag ko sa kanila nakita ko namang parang pinapasok pa nila sa utak nila ang mga sinasabi ko samantalang si Aveline nakatingin sa akin at nakangiti...

  "Eh, bakit kayo pumunta sa bacolod?? dito?" Tumingin ako sa nagtanong si Tristan minsan lang siya umimik pag ganito ang sitwasiyon pero pag nagtanong soya dapat masasagot mo...

  "Nangbabae si dad,di ko alam galit ako sa kaniya...galit kami sa kaniya at ang masaklap dun may kapatid kami sa labas.." Nagtitimpi ako sa galit halata namang nagulat sila pero wala akong magagawa kaibigan ko tong mga to e di ako pwedeng maglihim..

  "Nice to meet you Aveline ako pala si josh ang pinakapogi sa kanila" Pagiiba ni Josh at nilapitan si Aveline at niyakap may binulong siya sa kambal ko at napatawa naman ito..anu yun? anu meron?

  "Nice to meet you too" Sabi naman ni Aveline na ngumiti sa kaniya.

  "Ako din nice to meet you Aveline ang ganda mo lalo na kapag ngumiti ka.. ako pala si tristan ang pinaka habulin ng babae sa kanila" Si Tristan naman yun na nakipag shake hands sa kambal ko sabay yakap may binulong din siya sa kambal ko at lalong natawa si Aveline... Hala ano bang meron pero wait.

  "Hoy! Bitawan mo na ang kambal ko lumayo layo ka diyan tsansing ka ah! lumayo ka diyan Baby sis. babaero yan!" Sigaw ko sa kaniya tumawa naman si Aveline si Tristan naman nagkamot ng ulo.

  "Hi, Bad girl ka pala ah nice to meet you eline ako nga pala si Lucas" Sabi naman ni Lucas at ginulo ang buhok nang kapatid ko at niyakap din.

  "Hmmm....Hello pasensiya na sa ginawa ni josh sayo kanina...ako nga pala si Jaiko" Pagkasabi niya nun ngumiti lang ito at tinapik ang balikat ng kambal ko kahit kelan talaga...pero may napansin ako...yung tingin ni jaiko sa kapatid ko parang nilulusaw si Aveline tapos namumula siya pag tumingin si Aveline sa kaniya di kaya...di kaya Crush niya ang kambal ko?

  Nakipagkwentuhan lang sila sa kambal ko tapos ako naman tinignan sila Xander kung asan pero wala pala sila dito siguro naggala..

  "Hwahaha! sabi ko sayo kuya Lucas merong babae dito e mukhang magiging close kami ni Ate Aveline whahahhaha" Narinig kong sabi ni Tin tin na nakayakap kay Aveline tawa tuloy siya ng tawa. "Oo na pwede bang manahimik ka ang ingay mo nako!" Iritang sabi ni lucas.."Nako ang cute mo Tin tin hahaha!" Sabi naman ng kambal ko napatawa naman ako hahaha.!

  "Sam kamus--" Tumingin kami sa nagsalita.. O____o nako andito nga pala sila Xander "O hi Xander san kayo pumunta kanina pa kayo wala ah!" Sabi naman ng kambal ko na ginulo ang ang buhok ng Bestfriend nya "Bumili ng pasalubong sayo hehe wait lang te--" Di na niya natuloy nang mapatingin siya sa pwesto nila tristan na nakatingin lang sa kaniya na parang takang taka na sa nangyayari.. "Ay oo nga pala mga pre bestfriend kasi ni Aveline si Xander tapos inaya ko silang pumunta dito kasi nga diba di niyo alam na may kambal ako.... Hehe! pasensiya na..." Pekeng tawa ko sa kanila sabay pease sign alam ko namang naiinis sila dahil di ko sinabi pero mas pinili nilang makipagusap kala Xander naks magkakasundo na agad tapos ako loner wow lang ah! sorry naman..=_=

  "Kyle..." Agad akong lumingon sa nagsalita alam kong seroyoso siya "Hmm.Bakit?" Alangan na tanong ko "Ngayon mo lang ginawa 'to ang maglihim sa amin....lalo na....sa akin" Seryosong sabi niya oo alam kong mali alam ko yun.. "Alam ko namang mali pero ayun yung gusto ng kambal ko....pre alam mong di ko kaya magsikreto sa inyo pero di ko naman kayang suwayin ang kambal ko ayokong lumayo ang loob niya sa akin lalo na't hindi niya--" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinapik niya ang balikat ko "Oo naiintindihan ko at alam ko ring naiintindihan yun nila Jaiko ang sa akin lang sana nagsabi ka sa isa sa amin para hindi ikaw ang nagbubuhat magisa mahirap yan Kyle tapos nalaman mo pang may kapatid ka sa labas...alam kong mahirap sayo yun lalo na sa kambal mo ngayon na wala pa siyang maalala pero kailangan pre magsabi ka din sa amin handa naman kaming umalalay sayo e" Paliwanag niya nako naman papaiyakin pa ako neto pero isa lang masasabi ko alam niya talaga kung kelan ko na hindi kaya ang problema kilalang kilala niya na ako... "Salamat dahil naiintindihan mo ko, naiintindihan niyo ko pero parang ayoko na silang makasama ayoko na bigyan ng chance si papa kahit pinaliwanag niya sa amin ang naging dahilan masakit parin bakit hindi siya nanghingi ng tulong ?bakit sinarili niya? andito naman kami pero nagdesisyon siya magisa" Sabi ko hindi ko alam pero siguro anytime sasabog na ako. "Dahil ayaw niya na madamay kayo" Alam kong hindi si Lucas ang nagsabi nun tinignan ko kung sino yun si Josh pala..

   "Matagal niyo na akong kilala at alam niyo na ang bawat detalye ng buhay ko alam niyo na nangbabae din si daddy at feeling ko pareho ang dahilan nila...Pareho silang tinakot pareho silang natakot sa mga nangyayari pero si dad natanggap ko pa rin siya ...May kapatid din ako pero magkaiba nga lang ng ina...Si Jonathan di kami magkapatid sa ina pero magkasundo kami dahil na rin sa mabait din naman si Tita Janice at magkasundo na rin sila ni mama naging mas maayos ang problema...pero kung yung babae ng daddy mo e maitim ang budhi..? Maghanda ka na makamandag yan lalo na ang anak nako!" Sabi niya baka tama siya baka kailangan ko munang intindihin si daddy pero paano kung yung Kabit niya e hindi maganda ang pakikitungo sa amin paano na?

  "Maybe your right...siguro kailangan ko munang intindihin si daddy pero tiyaka na kapag handa na ako at handa na ang kambal ko pero sa ngayon ito lang masasabi ko maraming salamat...maraming salamat  na kung kelan kailangan ko kayo dumating na kayo pasensiya kung naglihim ako pero alam niyo maraming salamat..." Sabi ko


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's note

  Nako natapos din ang test nako po ang hirap guys maganda ba yung gawa ko sana naman binabasa niyo... please magcomment kung anong pwedeng idagdag or baguhin pakisabi na din kung maganda o hindi..

Thanks.😊 goodnight.

Everything happens for a reasonWhere stories live. Discover now