iliras

241 1 0
                                    

aking nakita ang kawalan ng buhay ng mga mata
sa likod ng mga ngiting hilaw
ang kulay mo'y naglalaho
wala akong ginawa
pinabayaang maglakbay sa mundong malupit
itinulak kita sa tubig
pinabayaang malunod sa kalaliman
kama'y pilit inaabot ang kawalan

unti-unting nalunod
naglaho sa kadiliman
narinig ko ang iyong sigaw
ngunit hindi kita matulungan
katauha'y nagbibitak
unti-unting naghihiwalay at nasira
ang sarili mo'y tuluyang nawalkaya gumamit ka ng ibang mukha

kaysarap alalahan
iyong ngiting matamis
matang kumikinang sa ilaw
buhok mo'y sa hangi'y sumasayaw
ngunit ang pinakapaborito ko
pagbibigay-kulay mo sa paligid
kaysarap alalahanin
nagsilbing matamis na alaala nalang

malabong ika'y bumalik
pero nais kong malaman mong kailangan kita
kung wala ka, ako'y mananatiling talukap
talukap ng taong dati'y masiyahin
na naging babaeng mayroong maskara
matagal nang kinalimutan ang tunay na kaluluwa
bilang pamamaalam, sa iyo'y iaalay
isanh elehiya, na inilaan para sa sarili

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

silakboWhere stories live. Discover now