"AGATHAAAAAA!"
ARAY!Ansakit naman kasi sa tenga manggising 'tong si Mama eh.Akala mo naman katapusan na ng mundo.Eh,ang sarap sarap pa ng tulog ko,Onting minuto pa!Onti na lang!Hay,Grabe junior na pala ako mamaya.Bilis ng panahon parang dati lang palaro laro lang ako at pakain kain,pero tingnan mo naman ngayon.Anlaki laki ko na!As in ang laki talaga.Grabe talaga nagagawa ng bakasyon,hanggang ngayon BALYENA pa rin ako :(
Nakakapangdown tuloy,Hayyy.At ngayon sisiguraduhin ko talaga na papayat na ako,grabe kaya makapanglait 'tong sina mama!Si papa lang yata ang sinasabing di naman ako ganun kataba eh,pero aside from him,WALA NA!Kaya sura >-< Hahaha!
Ay!Kelangan ko na pala bumangon dito bago pa ako mapuntahan ni Mama,eh lagi namang high blood yun tuwing hindi ako gumigising agad tapos sasabihin nanaman nya "AGATHAAAAA!Kaya hindi ka pumapayat ang hilig hilig mong matulog pero kapag may pasok na ,Hayan! Nakabulagta ka, ni ang hirap mo gisingin,Ano na Summer Agatha?!,BANGON!".
Hahaha!!! Ayan,ayan ang linya ng ina ko na halos saulo ko na at kapag sinasabi nya eh,nasasabayan ko sya pati ang expression nya >:D But still may respect pa rin ako sa Mama ko,Nakapag aral nga kami ni Autumn sa mamahalin at napakagandang school eh :)) Hihi
" Kala namin dyan ka na titira ah,Hay Samm kung gusto mong di na ulit ma-late lagi sa school,bumangon ka na ng maaga.Di pedeng lagi tayong gigisingin ni Mama,este ikaw :P Haha" sermon ni Autunm sa akin habang binubutones nya ang blouse nya na ang uniform nya,
Well maganda ang uniform namin eh,Kaso sa seniors may pagkakaiba dahil ang uniform ng grades 1 to 7 ay short sleeves na white blouse na may cute na navy blue ribbon sa collars at below knee na skirt (Lahat naman below knee ang palda eh! (-.-)),Sa mga grade 8 hanggang sa aming mga juniors ay long sleeves na white blouse (oh diba ang init ng suot namin,pero don't mind naka aircon naman each classrooms) tapos may navy blue ribbon din kaso ang pinagkaiba ay ang pagkanipis nito compare sa grader's ribbon,at ito, sa Seniors,Isang white blouse din at long sleeves kaso may vest silang ipapatong after isuot ang blouse and neck tie na blue! As in NECK TIE! Hmp.Nakakainggit lang kasi eh,gusto ko na mag suot ng neck tie at makawala sa jail na yun.Hahaha! Pero syempre joke lang yun,Masaya naman sa school namin eh marami lang nga ang bully at bullied,parang ako (-_-)
Teka, nasabi ko na ba sa inyo kung ano 'tong school na to?!Ahhh well Rosefield's Academy ang school na'to TANTANANANA! Surprise ba?Hahaha!Di ko alam kung alam nyo 'tong school na to pero ito ang pinakasikat na school sa storyang 'to siguro naman alam nyong fiction lang 'to diba?Diba?! XD ooopps! Sa sobrang haba ata ng sinabi ko sa inyo nakalimutan ko na na may sinasabi 'tong si Autumn,nakatitig lang pala ako sa ginagawa nya.Hahaha!
"Oh!Oh!Sesermonan mo rin ako?Hoy Autumnia minsan lang naman ako ma-late ah! -.-" Ganyan kami mag"good morning" sa isa't isa ng kapatid ko at di lang kapatid ,ATE ko yan,Haha!Curious ba kung bakit di ko sya tinatawag na ate?Eh kasi walang ate ate sa'min,tutal 10 months lang tanda nya sakin,kaya di na kami tinuruan ni Mama magtawagan ng Ate. =)
Ay!Teka,Ako?Kilala nyo na ako?Di ko pa pala napapakilala sarili ko sa inyo,diba?Hahaha Well,Pangalan ko ay Summer Agatha C. Vasquez. Fifteen years old,Nag-aaral sa Rosefield's Academy.Dun din nagtatrabaho si Mama,Head Canteener, ang Papa ko naman na ubod ng bait especially to me ay nasa Manila ngayon may trabaho rin,Engineer naman sya.May bestfriend din ako,Si Bethy.Mahal na Mahal ko yan kasi mula Gr.2 kami,buddy na kami nyan.At may ultimate crush din ako,Kaso ako lang may alam nun eh.Kahit si Bethy hindi nya alam kasi akala nya aral lang at pagkain ang alam kong atupagin.May kaartehan din yang si Bets pero di yan nagboboyfriend,kahit maraming nagpaparamdam.Masyado ba kami mabait?Hahaha.
By the way kelangan ko na yata lumabas sa kwartong to,bago pa umakyat si Mama,Maligalig kasi yon lalo na first day ng school ngayon.And magreready na rin ako,May CR naman kami ni Autumn dito eh,Kaya yun pumasok na ako sa CR,naligo,lumabas ng CR,nagpatuyo,nagbihis,nag-ayos,at lumabas na rin sa wakas ng kwarto! :D
"Oh?!Ang bilis mo maghanda ah,Sige na kumain ka na bago pa dumating yung bus.Maiwan ka pa."sabi ni Mama habang inaayos ang agahan namin.Umupo na rin naman ako at kumuha ng fried rice at boiled egg (Oh dibey?Kinareer ang pagdadiet XD)
"Hm.(Sabay subo ng isa sa kutsara) Bakit di ba kayo sasakay?" tanong ko,eh lagi naman naming kasama yan sa bus eh,Kaya nga di kami makapagharot,Hahaha,Joke!
"Hindi eh,Mamaya pa ako pupunta sa school,May mga bibilhin pa kami ni ate Elma mo,para sa recession nyo."-Mama
"Ahh.Si Autumn?Asan sya?" sabay lingon lingon sa kusina at sala
"Uuna na daw sya,kelangan sya dun, diba sya ang secretary ng student body last year?Kaya inaayos nila ngayon yung program para sa first day ng Acad."
"Ahhh,(Tumingin ako sa relo ko)Teka! 6:23 pa lang naman ah.Ang aga naman nun?!"
"Hayaan mo na sya,nakaalis na nga diba?Eh,Ikaw, tatakbo ka sa student body ngayon?" tanong ni Mama na nakapagpaisip sakin agad,Bat nga ba di ko pinagisipan nung bakasyon?Well,wag na lang,sino ba boboto sa'kin?Baka nga pag tumakbo ako at magbotohan na "big stout" ang ilagay nila sa ballot yun naman ang pangasar nila eh, kaya wag na lang!?!*sigh* *beepbeep
"Hmmm.Ma!Andyan na yung bus,Alis na ko ha" sabi ko nung marinig ko ang busina ng bus sabay halik na rin kay mama
''Tsaka ,Ma!Tatakabo?Baka mapagod ako!:D,Bye Ma!" 'tas kinuha ko na ang bag ko at humarurut na ng takbo papunta sa labas para sumakay ng bus :)
"Hayyy Ang pilosopo talaga ng batang to,HOY PUMUNTA KA MAMAYA SA CANTEEN HA!!BAKA NAMAN MAGPALIPAS KA NA NG GUTOM!"sigaw ni Mama sa'kin,Kaya nya naman nasabi yun kasi last year sa last week ng schooling namin eh nagpagutom ako dahil sa pressure kong pumayat,At yon napagalitan ako ni Mama,binigyan nya na lang ako ng advice for my diet plan kaso ngayong pasukan namin sisimulan.
"OPO!!"
Yes!Excited na'ko.Junior rocks!Haha :D
BINABASA MO ANG
Crush (The ongoing short story)
Teen FictionA teen fiction story.Crush is a story of a girl who confused of what she's feeling for this one guy.And the guy who never thought of something between them.