CHAPTER 10: Puro Ewan, Puro Hindi Alam
JF's POV
Ansaya lang. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ako masaya. Ang gaan ng pakiramdam ko. Parang.. ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kagaan na feeling. Ansarap. Ayoko ng matapos.
Nagdidiscuss ngayon ang teacher namin sa unahan tungkol sa mga bagay na.. ewan ko, ganado akong makinig. Pero.. medyo sira pa rin ang araw ko. Katabi ko kasi si Vienne eh, pero katabi ko naman si Margarita. Yep, still calling her Margarita. That's the name na alam kong pag narinig niya, ako lang ang papasok sa isip niya.
I don't know. Maybe, I just like it kapag ngumingiti siya sakin, it's a new thing. And I guess.. it's for the better. Para mas effective ang pagpapanggap namin. Para mas mapabilis ang paglayo sakin ni Vienne at pwede na silang magsama ni Mico Galleria.
"Mr. Torres. Seems like maganda ang araw mo? Nakuha mo pang ngumiti habang nagdidiscuss ako ng hindi naman nakakatawa."
"Ma'am, paanong hindi ngingiti, eh holding hands pagpasok silang dalawa ni May."
"Onga Ma'am. Alam niyo po ba crush na crush ko si JF, pero simula nung dumating si May, parang gusto ko sila na lang talaga!"
"JFM forever po!"
Nagtaka si Ma'am at nagtanong, "JFM?"
"JF May po yun! Pero in other words, Just For Me!"
Napatawa si Ma'am, "Kayo talaga. Kung anu-ano ang naiisip niyo. Hay, paano ba ito. Mukhang kailangan ko kayong paghiwalayin. Baka hindi na makinig ang buong klase at sa inyo na lang sila nakatutok kasi magkatabi kayo. Pero joke lang yun. Hala, ituloy natin ang discussion."
Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. Nakakatakot to. Kinakabahan ako.
May's POV
Hindi ko rin talaga alam kung anong pumapasok sa isip ko at naisipan kong gawin ang bagay na iyon. Pero.. sobra akong kinakabahan. Yung feeling na.. nagustuhan ko ang paghawak sa kamay niya. Yung feeling na.. inisip ko talaga na kami nga. Ewan ko ba.
Pero mula sa mga mukha naming apat na magkakatabi, sa amin ni JF ang namumukod tangi. Si Mico, ayun. Sumusulat ng notes. Minsan kinakausap niya ako, pero ewan ko rin, bigla akong nawalan ng interes na kausapin siya. Para bang.. bigla kong naisip na.. wag kasi bawal? Si Vienne, malungkot. Nakatingin siya kay JF na.. ayun, ngiting-ngiti. Nagmumukha na siyang tanga pero wala ata siyang pakialam. Dun ko lang nalaman, pinagmamasdan ko na pala siya. Napapangiti rin ako. Kadalasan kasi sa mga ngiti ni Fernando, puro smirk. Puro evil smile. Pero ngayon.. nakakain-.. Ha. Ano dapat yung sasabihin ko.
Hay. Wala na talaga ako sa sarili ko.
Sam's POV
Pagkatapos niyang tumugtog ng gitara, nagbasa muna ako ng libro. Nagulat nga ako at dala niya pala ang gamit ko na naiwan sa classroom eh. Napangiti naman ako sa thought na yun.
Habang gumagawa ako ng assignment, nakahiga lang siya. Nakatingin sa kisame. Hindi ako kinakausap kasi hindi ko rin naman siya makakausap. Hanggang sa nakatulugan na niya ang pagtingin sa kisame.
At ngayon.. pinagmamasdan ko ang gwapo niyang mukha. Oo na, aminado na ako. Gwapo ang bestfriend kong to.
Hay. Bestfriend. Uy. Wag nga kayong mag-isip ng masama. Hindi porket bestfriend ay maiinlove na agad at hindi mangyayari ang mga nababasa niyo sa wattpad.
Minsan, iniisip ko kung.. may girlfriend na kaya siya? Kasi.. alam ko namang maraming nagkakandarapa sa kanya. Di ba nga silang dalawa ni JF ang major heartthrob sa school?
BINABASA MO ANG
Just Another Love Story
Teen FictionDifferent kind of love. Different views of love. A FAKE relationship. A one-sided love. A happily ever after story. A playboy who has a reason why. Those are the typical stories right? But.. what is this story's difference from other stories? Could...