Prologue

15 0 0
                                    

Laging pinapaalala sakin ng lola ko ang mga kuwento niya, noong nabubuhay pa siya dito-sa mundo ng mga tao.

Lagi niya ngang sinasabi ang, "Lalamunin ng nakaraan, ang nasa hinaharap."

Ayan ang hinding-hindi ko makakalimutan sa mga bawat kuwento niya. Bawat kuwento niya, na i-enganyo akong makinig.

Halos lahat ng napakinggan ko, ay parang nasa hinaharap na nanggaling sa nakaraan. "Isang nakaraan na babaguhin ng hinaharap."

"Apo, alam mo ba? Dati, noong panahunan pa namin ng lolo mo. May binili kaming isang salamin." kuwento ni lola.

Hindi ko na inilagay sa imahinasyon ko ang lumang salamin na binabanggit ni lola noong panahon na yon.

"Ang salamin na iyon, galing pa yon sa ninuno namin. Isang salamim lang yon, pero napakaraming repleksyon sa hinaharap." dagdag niya pa.

Minsan naisip ko, baliw na ba ang lola ko? Isa lang ako, pero rarami ang repleksyon ko gamit ang isang salamin lamang?

"Sa bawat segundong titig, isang hakbang ang lakbay. Sa bawat kurap, mga pintong nasa harap, kusa na lang bubukas para sa hinaharap."

Matalinghagang kuwento ni lola.

"Bawat pawis, isang kandado ang bubukas. Sa bawat ngiti, unti-unting luluwag ang tali. At ang mga tali, mawawala ng kusa upang makawala ang nasa repleksyon."

Hindi ko maintindihan si lola.

"Huwag tatagal, ng hindi mawalay. Gaano man kaganda ang nakaraan, kayang baguhin nito ang ganda gamit ang hinaharap. At ang panahong nakaraan, kakainin ng bagong yugtong haharapin sa hinaharap."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE OLD MIRRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon