Chapter 3

152K 3K 433
                                    

Chapter 3

Perfect Match

"Hoy, gawin mo 'yung project natin, ikaw naman pala ang top student dito, eh." Sinipa-sipa ni Law ang upuan ni Savannah hanggang sa tumunghay na ito sa pagkakaubob sa kanyang lamesa. Pagkatunghay ng dalaga ay mapula na ang kanyang mata at kitang-kita ang pagkairita sa kanyang mukha. Tumayo siya at sinipa ng malakas ang lamesa nito sanhi ng pagkatumba nito. Nagtinginan naman lahat ng kaklase nila sa kanila at ang malalapit ay agad na lumayo dahil ayaw nilang madamay.

"I don't give a damn about the fucking project. Leave me alone and let me sleep, you freaking asshole!" she screamed enough for her classmates to piss in their pants because of fear. Kinuha ni Savannah ang kanyang bag at lumabas na ng room. Ang aga-aga ay nakakunot na ang kanyang noo dahil sa inis. Nag-assign kasi ang teacher nila ng isang project na by pair at dahil magkatabi sila ni Law ay sila ang naging mag-partner. Nagpresinta siyang siya na lamang gagawa ng mag-isa at ayaw niya ng kapartner pero hindi pumayag ang teacher nila. Hindi daw sila bibigyan ng grade kapag hindi nila ito ginawa ng by pair. "Kung hindi lang dahil sa grade hindi ako papartner sa kanya. Bwisit!"

Hindi naman porket natutulog at nagcucutting si Savannah ay wala na siyang pakealam sa grade niya. Kahit na hindi na siya nagrereview ay nagiging top student pa rin siya sa buong eskwelahan, hindi niya pwedeng ialis sa kanya ang title na 'yun dahil lamang sa isang grade na nawala dahil sa isang project. Ayaw naman niyang madisappoint sina Kisha at Van kapag nalaman nila na-incomplete siya.

Dahil ongoing pa ang klase sa lahat ng room ay wala pang gaanong estudyante ang nakakalat sa hallway. Dumiretso na lamang siya sa may library upang maghanap ng mga librong pwedeng gawing sources sa project na gagawin nila. Nagpunta siya sa may dulong bahagi ng library at tinitigan niya lamang ang mga shelf.

" 'Wag na nga. Tutulog na lang ako." Umupo siya sa may sulok at inilagay ang kanyang earphone sa kanyang tenga. Ipinikit niya ang kanyang mata at maiging pinakinggan ang kantang tumutugtog ngayon sa kanyang telepono hanggang sa dalawin na siya ng antok at tuluyan ng makatulog.

***

"Where did she go?" tanong ni Law sa kanyang sarili. Dinismiss kasi sila ng maaga ng kanilang teacher para daw masimulan na nila 'yung project dahil sa isang Linggo na ang pasahan nito. Wala naman talagang interes si Law doon sa project, mas gusto pa niyang matulog kesa pag-aksayahan ang oras 'yun pero wala siyang magagawa dahil grade rin niya ang nakasalalay. Sayang naman kung babagsak siya ng dahil lang sa isang project.

Nilapitan niya ang isang grupo ng mga estudyante para magtanong kung sakaling nakita nila si Savannah.

"Nakita niyo ba si Savannah Walker?" para namang nakakita ng multo ang mga estudyante ng makita siya. Nagsimula silang pagpawisan ng malamig at kita ang mga takot sa mukha nila. "Sasagot ba kayo o---" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng magsalita na ang isa sa kanila.

"N-Nasa l-library siya!" nagkakanda-utal siya sa pagsagot at sabay-sabay na silang tumakbo paalis. Ipinamulsa naman niya ang kanyang kamay at nagsimula ng maglakad. Hindi niya alam kung bakit big deal ang pagpunta sa detention pero nalaman niyang siya pa lang ang pangalawang nakapunta sa detention na iyon. Kilala kasi ang school na ito sa pagkakaroon ng respitado at disiplinadong estudyante pero nung dumating daw si Savannah, naging suki na ito sa detention dahil sa mga ginagawa niyang paglabag sa rules. Nang dahil sa napapunta siya sa detention, natakot na ang mga estudyante sa kanya dahil ibig sabihin lang non, kagaya rin siya ni Savannah na mahilig sa gulo. Hindi naman niya itatanggi 'yon, minsan nga napapasok siya sa gulo ng hindi niya namamalayan.

Nagpunta na siya sa library at agad na hinanap si Savannah. Ang laki ng library tapos punong-puno pa ng mga bookshelf kaya hindi niya alam kung saang parte niya hahanapin ito pero pagdating niya sa dulo ay nakita niya si Savannah na mahimbing na natutulog habang nakasandal sa pader. Nilapitan niya ito at pinagmasdan ito habang natutulog.

The Prodigious VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon