Prolouge
3 years aso, minahal ko siya ng sobra. Nagpakatanga ako dahil sakanya. At nasaktan ako ng todo-todo. Yung salitang "LIKE" lang naman yung pinanghahawakan ko. Na sa simpleng I Like You niya, maging I Love You na. Pero nagkamali ako. Antanga ko. Pero kahit ganun, hindi ko magawang magalit sa kanya. Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin. Nalaman ko na may Girlfriend na siya. Kahit masakit, pinilit kong maging masayapara sa kanila. Yun lang naman ang magagawa ko bilang kaibigan niya. Tama kayo. Minahal ko ang BESTFRIEND ko. Haaaay. Kung pwede lang sanang ibahin ang ikot ng mundo para hindi na ako ma-Fall sa Bestfriend ko. Pero wala eh. Eto ang plano ng Universe samin. Kaya, tatanggapin ko eto. Lumipas ang ilang buwan, nalaman ko na naghiwalay sila nung GF niya. Kahit dapat maging masaya ako, hindi ko magawa. Alam kong nasasaktan ang Bestfriend ko ngayon, at dadamayan ko siya. Hanggang sa muli siyang nakabangon at naging masaya ulit. Di ako nawala sa tabi niya. Masaya ako para sa kanya. Kasi kapag masya siya, masaya na rin ako. Lumipas ang mga panahon, nagkaroon ulit siya ng Girlfriend. This time, hindi ko na kinaya. Tinigilan ko nang makipag-usap sa kanya. Di ko na siya pinapansin. Alam kong wala akong karapatan magalit. Pero kasi, sobrang sakit na. Namanhid na ata puso ko. Di ko na kayang lokohin pa ang sarili ko. Hanggang sa lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon.