Your Wish Granted

5 2 0
                                    


Introduction

Elise POV

"Wala kang kwentang asawa! Lumayas ka dito!" - sigaw ng lalaki, " Mas wala kang kwenta! Wala ka na ngang trabaho, wala ka pang ibang ginawa kundi magpakalasing!" 

Nakakapagod ng makinig sa away nila, halos araw araw na lang nag-aaway sila Mommy at Daddy, lagi silang nag aaway, laging nagsisigawan laging nagsusumbatan. Nakakalimutan na yata nilang may anak sila.

Ako si Elise, 16 years old, I'm already at grade 10. Wala na akong ibang pinangarap kundi maibalik ang dati, ang nakaraan. Dati, nagagawa naming mamasyal nila Mommy at Daddy, halos tuwing linggo umaalis kami at pumupunta sa park. Pero nagbago yun ng malaman ni Mommy na may ibang kinakasama si daddy, na hindi lang pala kami ang pamilya niya. Ang masakit pa doon, narinig ko mismo mula sa bibig ni daddy na hindi niya daw mahal si mommy, napilitan lang si daddy na pakasalan si mommy dahil nabuntis niya ito. Nakita kong umiiyak si mommy, gabi gabi siya umiiyak, hanggang sa dumating ang araw na sa tuwing magkikita silang dalawa wala na silang ginawa kundi magsumbatan. Mahigit 7 years na silang ganun, nung una ng hiling ko lang sana magkaayos na silang dalawa pero ngayon, gusto kong ibalik yung panahong nagkakilala sila mommy at daddy, na sana hindi na lang sila nagkakilala at sana hindi na lang ako ipinanganak.

May mga naririnig akong mga bagay na nababasag sa labas ng silid, biglang sumigaw si Mommy

"Hayop ka! Walanghiya ka talaga!" sa sobrang pag aalala ko na baka nasaktan na ni daddy si mommy lumabas ako, saktong paglabas ko, may inihagis si mommy, tumama ito sa pader at ung piraso tumalsik papunta sakin. Naramdaman ko na lang na may mahapdi sa pisngi ko. Pero silang dalawa parang hindi nila ako nakita, parang wala lang, may aninong lumabas lang sa silid ko. Nagsimula nang tumulo ang luha sa mata ko, hindi ko na kinaya ang nakikita ko kaya napasigaw na ako. 

"TAMA NA!!!" sabay hagulgol ko, natigilan si mommy at daddy, napatingin din sila sa wakas sa direksyon ko, pero sa halip na lumapit sakin si mommy, tumakbo ito palabas. Lalong pumatak ang luha sa mata ko. Si daddy, pumasok lang sa kwarto nila. Nanambot ang tuhod ko. Napaupo na lang ako sa kintatayuan ko.

"Sana hindi na lang kayo nagkakilala, sana hindi na lang ako ipinanganak, sana maibalik ko yung dati, yung bago palang magkakilala sila mommy at daddy para hindi na sila ng nagkatuluyan." Yun na lang ang naibulong ko sa sarili ko.

Ilang oras na ang lumipas,pero hindi parin bumabalik si mommy sa bahay at si daddy umalis din ito, lumabas ako ng pinto naghihintay kay mommy, napatingin ako sa relo ko,eleven na ng gabi pero wala parin siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang oras na ang lumipas,pero hindi parin bumabalik si mommy sa bahay at si daddy umalis din ito, lumabas ako ng pinto naghihintay kay mommy, napatingin ako sa relo ko,eleven na ng gabi pero wala parin siya. Maya maya lang may natanaw ako sa gate, hindi ko malaman kung si mommy ba ito, kaya lumapit ako, paglapit ko, doon ko nakita na hindi pala si mommy un, isang matandang babae lang pala. Nakita ako ng matanda at nilapitan niya ako.

"Oh, anong oras na hija, nasa labas ka pa." nag aalalang sabi nito.

"Okay lang po, may hinihintay pa po kasi ako." malungkot kong sabi.

"Tingnan mo may sugat ka sa pisngi." kumuha ito ng panyo , "wa-wag na po-" nang mapansin kong ipupunas niya ito sa pisngi ko. "Okay lang hija"at pinunasan ang natuyong dugo sa pisngi ko. 

"Sa-salamat po" nahihiyang sabi ko.

"Bakit, nag away na naman ba ang mommy at daddy mo?" napatingin na lang ako sa kanya, may kinuha ito sa bulsa niya at iniabot sa akin. "Mag ingat ka sa hihilingin mo, at sa oras na nagkamali ka, marami ang maapektuhan." sabi ng matanda, napakunot noo na lang ako sa sainabi nito,umalis na ito.

Tiningnan ko ang ibinigay niya sakin,isang pocket watch na may kakaibang design at may susi sa dulo. Pero mali ang oras nito at sira pa, 11:59 na sa pocket watch at hindi ito gumagalaw. 

" Ba-baket nandito ka pa sa-sha labash?" nabigla ako sa nagsalita, si mommy, lasing na lasing ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Ba-baket nandito ka pa sa-sha labash?" nabigla ako sa nagsalita, si mommy, lasing na lasing ito. 

"Mo-mommy?" susuray suray ito kaya inalalayan ko siya papasok sa bahay.

"Alam mo Elish, hindi ko shana papak-kasalan yang da-daddy mo kung hindi ako nabutish dati, mas mahal ko shi Jerome kaysa sa kanya, kaso nabuntis nya ako eh, kaya no choice kami kundi magpakasal-" natuliro ako sa sinabi ni Mommy, napayuko na lang ako, umupo ito sa sofa, "pe-pero-" natuumba na ito. 

Pumasok ako s silid ko na napahagulgol na lang, "sana nga hindi na lang kayo nagkakilala, sana hindi na lang ako dumating sa buhay niyo!"

Tik!Tak!Tik!Tak! biglang tumunog ang pocket watch na hawak ko. At bigla na lang lumiwanag ang paligid ko.

----------------------------------------------------To be Continued------------------------------------------------------




------> Author POV

I hope you like my introduction, just put your comment and hope to enjoy my first ever story!! <3 Saranghae

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time Traveler ( The Girl Who traveled in the past)Where stories live. Discover now