BADING SI PRINCE CHARMING

221 2 0
                                    

Chapter 1

"Best, Hali ka na, mahuhuli na tayo", si Ziggy yun, ang best friend Kung bading, na kumakatok sa pintuan Ng kuarto Ko.

Matagal na kaming magkaibigan ni Ziggy dahil magkababata kami sa Mariveles, Bataan, simula pa lang Ng Mga bulilit kame ay talagang girlalu na yan. Inaaway nga siya ng Mga kalaro naming Lalake, e ako pa ang nagtatangol sa kanya... Hamakin mo yun ako ang nakikipagsuntukan, samantalang siya, hayun iiyak na lang.

Nang tumuntong kami Ng high school, dun na nagladlad ang besti Ko, sayang nga eh, kasi madaming nagsasabi na guwapo talaga Ziggy, matangkad at Moreno kasi at Hindi mo talagang mahahalatang bading unless na lang magsalita ito. Sa katunayan, madaming nag kaka crush sa kanya sa school, isa na ako dun,

Madaming babae naglalandi sa kanya bukod sa akin. Minsang nga nahuli Ko, muntik nang halikan Ng schoolmate namin. Ang bruhang yun, uunahan pa ako. Kung naging lalaki lang sana siya, naku, papatusin Ko din ang best friend Ko, bagay naman kami, pareho kami Ng kulay at magsingtangkad pa, Maganda rin naman ako no, ay ano ba yan? that's my tomboy lang ang peg Ko?

Anyway, hanggang nag college kami ay magkasama pa rin kaming nag enroll dito sa Maynila, siya ay kumuha Ng kursong Architecture at ako naman ay nursing sa isang Tanyag na university. Iisa rin lang ang tinutuluyan naming boarding house kaya madalas kinakatok Niya ako sa room Ko tuwing umaga.

"Diyos Ko Kassandra, alas 8 na Ng umaga, ano't di ka pa naka-ayos?", tanong Niya.

"Best, iaantok pa ako eh, alam mo ba, umaga na ako nakatulog Dahil sa kababasa Ko ng pocketbook".

"Nako best, Sabi Ko naman kasi sa'yo bawas-bawasan mo yang pagbabasa Ng Mga pocketbooks na yan... Bumangon ka na nga at maligo nang di tayo malate okay?", saad Niya.

"Eto na nga o babangun na", At nagmadali na nga ako para sabay na kaming pumasok na dalawa.

Kararating pa lang namin nun sa gate Ng university na pinapasukan namin Ng bigla na lang napa higpit ang hawak ni Ziggy sa braso Ko at sabay bulong, "Oh my Gosh best, andyan ang crush Ko syeeeeeeeettt".

"Ha? Saan?", tanong Ko habang sinisipat ang Mga lalakeng estudyante na nakatayo sa gilid Ng gate na nag yoyosi.

"Ayan o, si Theo, second year architecture yan", sabay nguso Niya sa lalaking naka asul na t-shirt.

"Ang cute Niya, di ba best? Kaya lang di Niya ako pinapansin, Paano freshman pa lang kasi ako, kaya wa Sia care", Sabi ni Ziggy habang pabagsak ang Mukha.

"Ah okay... hayaan mo na... di mo kawalan if di ka Niya pinansin", ang sagot Ko sa best friend Ko na halos nanigas na ang buong katawan dahil sa nadamang kilig.

Kung Sabagay, guwapo nga yung Theo, matangkad, maputi, Mamula-mula ang labi makinis at matangos ang ilong pero parang suplado.

Chapter 2

Nang makapasok kami Ng paaralan ni Ziggy, agad akong nagtungo sa classroom Ko pero sinalubong ako Ng kaklase kong si Vinney sa pintuan.

"Kassandra, wala tayong klase sa Litreture ngayon, absent si. Mrs. Mojeda, inaantay lang namin yung research work na iniwan Niya", Sabi ni Vinney.

Si Vinney, kalog, may kapandakan pero di naman kapangitan, siya ang pinaka close Ko sa Lahat Ng kaklase Ko dahil pareho kasi kami Ng Mga trip sa buhay, Mahilig maunod Ng sine at mag basa Ng Mga Tagalog pocketbooks.

Maya-maya pa dumating na ang student assistant na may dala Ng seatwork ni. Mrs. Mojeda, at inabot na Ito sa Amin isa-isa.

"Te, sabay na tayo sa Library", Sabi ni Vinney sa akin.

BADING SI PRINCE CHARMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon