***
"Wala!wala kayong mapapala saamin!!" Sigaw ni ate crystal sa mga lalaking naka takip ang mga mukha.
Pilit ko parin tinatanggal yung tali na nasa kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila saamin ni ate. Hindi ko rin alam ang mga sinasabi nila. Ang tahi tahimik na ng buhay namin. Hindi ko aakalain na mangyayari ito saamin!
"Or, baka nasa kapatid mo?" Tapos nag smirk yung lalaki. Anong nasaakin? Ano ang kailangan nila saamin!?
---
"Wag!!!wag mong papatayin si jewel!!ako na lang!!!" Sigaw ni ate na parang nag wawala na siya ng di ko namalayan na may nakatutok na pa lang baril sa ulo ko kaya hindi ko maiwasan na mag panic at umiyak..
"Ate!!!hinde!!" Sigaw ko, iyak ako ng iyak nug time na yun. Ibubuwis ni ate yung buhay niya para saakin. Pero hindi maaari yon!!
"Ate wag!sino na ang mag aalaga saakin!?*sniff*ate hindi!hayaan mo na lang na ako ang patayin nila para mailigtas ka!"
"SIGE!!!PATAYIN NIYO KO!PATAYIN NIYO NA AKO NGAYON NA!!!"
*bang!*bang!*bang!*
***
"A--ate?"
Tinanggal nila yung tali sa kamay ko at hinagis sa pwesto ni ate. Ang hirap tignan,ang hirap tignan na siya ang nakahiga at punong puno ng sugat an kanyang katawan. dapat saakin nangyari toh.
"Hinde,hindi pwede to!"nag halong lungkot at galit ang nararamdaman ko. Naiiyak ako sa galit!
"Ate wag kang pipikit ate*sniff*wag kang pipikit please please ate" parang hindi ako nauubusan ng luha sa kaka-iyak ko. nakita kong punung- puno ng dugo ang katawan niya
"Jewel,tandaan mo mga sasabihin ko sayo ngayon.." Sabi niya at umuubo-ubo pa siya ng dugo.
"Kapag nakauwi ka sa bahay. Kunin mo yung kahon sa ilalim ng kama ko" Sabay hawak niya sa pisngi ko
"Huh?" Nagtatakang tanong ko sakaniya
"Taha na" sabi niya at nakikita ko rin na tumutulo ang luha niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti.
"Ate wag mong sabihin yan!!mabubuhay ka pa,diba sabay tayong pupunta sa maynila?diba sasamahan mo ako kapag papasok na'ko sa school?mabubuhay ka pa kaya wag mong sasabihin yan" Sabi ko sakanya at niyakap siya
"Jewel alagaan mo ang sarili mo ha?*smiled* wala ng mag babantay sayo mamamatay na si ate basta ito ang tandaan mo mahal na mahal na mahal kita" sambit niya saakin. Hindi ko ma-explain ang nangyayari ngayon..ang sakit sakit
At unti unti ng bumibitaw ang pagkakayakap niya saakin. Ramdam na ramdam ko na bumagsak na ang kanyan kamay
"Ate?!ate?!ATE!!!HINDI!!!ate gumising ka!gumising ka!"Sigaw ko
"Mga wala kayong awa!Balang araw!pag babayarin niyo ginagawa niyo sa ate ko!!"
--
6 years ago simula nung nagyari yun at hanggang ngayon hinding hindi ko parin matanggal ang bakas ng sakit noong nangyari yon.
"Ate,happy birthday!kung nabubuhay ka lang 36 years old ka na ngayon. Sayang noh. Mga peste kasing mga lalake. Hanggang ngayon hindi parin nahahanap" sabi ko sabay nilagay ang mga bulaklak sa puntod niya.
Hindi ko ipinalibing si ate sa sementeryo kasi Bilin saakin ni mama na sana daw kapag namatay na sila sama sama sila.
Sa isang malinis na tabing ilog na may madamong lupa at punong puno na bulaklak. Dito ko sila pinalibing kasi napaka sariwa ng hangin, napakalinis at tahimik.
"Ate kahit papaano tulungan mo rin akong hanapin si mystery guy na sinasabi mo saakin! Like hoemaygash nakakaloka na siya gusto ko na talaga siyang makilala pero hanggang ngayon di ko pa rin siya makita hahaha" para akong tanga dito tumatawa mag isa
Tumayo ako at inayos ang damit ko
"Promise ate!dadalhin ko siya dito kapag nakita ko na siya *smile* ma!pa!ate! Alis na ako papasok na ako sa school, first day ko sa 3rd year collage wish me luck!sayang dapat kasama kita ngayon" At umalis na ako
***