Nakakainis >_< bakit pakiramdam ko ang unfair ng tadhana sa akin
Panu ba naman hindi ko masasabi yun sa lahat ng nangyari sa buhay ko ayun ang pakiramdam ko
Una iniwan kami ng magaling kong ama kaya ang masayang pamilya na meron ako dati ay biglang naglaho akala ko ang ama ko lang ang mawawala sa akin pero hindi pala
"Ma saan ka pupunta?"tanong ko kay mama nakita ko kasi na paalis sya at may mga dalang gamit
"Aalis na ako dyan na kayo sa ama nyu!"sabi nya kahit sumama na kasi si papa sa ibang babae ay umuuwi pa rin sya dito sa bahay panung hindi sya uuwi dito eh andito lahat ng kapatid at mama nya nakatira sa katabi ng bahay namin
Una nagalit rin sila tita at tito at si lola sa ginawa ni papa pero di kalaunan ay pinatawad na rin nila pero yung kabet nya hindi nya sinasaman pagpumupunta sya dito..
Aba napaka kapal naman nang mukha nya kung isasama pa nya at ipapakita sa amin ang kabet nya!
"Isama mo na lang kami!"paki-usap ko kay mama
Nakita ko na nakapang-alis rin si ate.
Wag mong sabihin na si ate lang ang balak nyang isama sa pag-alis nya
"Hindi pwede! Dyan na lang kayo sa ama nyu"
"Eh bakit si ate isasama mo?"
"Sige na maiwan kayo dyan sa ama nyu ni arjay"at tuluyan na silang umalis
Naiwan kami dito sa bahay ni arjay
bakit si ate lang ang isinama nya sa pag-alis nya???... Bakit hindi na lang nya sinama kaming lahat
Ayan ang mga tanong ko sa sarili ko nang iwan kami ni mama
Pangalawang masasabi ko na unfair sa buhay ko ay ang malaking pagkaka-iba namin ng ate ko kaya siguro sya lang ang isinama ni mama
Maganda, maputi ang ate ko samantalang ako ay kabaligtaran nya.
Kung anong kinaganda nya sya naman ikanapanget ko
Kung anong ikinaputi nya sya naman ikina-itim ko
Bukod pa dun baby na baby kung ituring sya nila mama at papa dati
Siguro nga kaya sya ang isinama ni mama kasi paborito sya simula't sapul.
15 na ako ngayon ilang years na rin ang nakalipas simula nung iwan kami ni mama
Nasa highschool na rin ako ngayon kay papa kami kumukuha ng mga pang baon at pangkain pumupunta-punta sya dito para mag bigay ng pera
"Ohh shane bakit ngayon ka lang?"sabi ni jen pagkarating ko sa room nalate kasi ako kasi naglaba at naglinis at inasikaso ko pa yung kapatid ko bago ako pumasok
"Sorry naman friend! Alam nyu naman diba?? Marami pa akong inaayos bago pumasok"pagpapaliwanag ko.
"Buti wala pa si maam"sabi pa nya at umupo na ako sa upuan ko
After a minutes ay dumating na rin si maam at nag lesson na sya.
"Ano shane sama ka pasyal tayo?"yaya sa akin ni shane.
"Ahh hindi na marami pa akong gagawin sa bahay ih"
"Sige ingat"sabay alis nya
Naiinis ako kasi hindi ko man lang maranasan maging isang teenager yung tipong mag-gagala kayo ng mga friends mo kasi kailangan kong umuwi ng maaga para magluto at mag-asikaso sa kapatid ko
BINABASA MO ANG
Hey! life why so unfair?! (oneshot)
Teen Fiction"Hey! Life why so unfair!?" Lahat tayo minsan nasasabi ang salitang iyan kahit ako ay madalas masabi ang mga salitang yan nakakainis lang kasi bakit nauso pa ang salitang iyan ihh!! Nakakainis talaga bakit ba kasi pakiramdam ko ang unfair ng buhay!