ASA salitang laging sambit,
Nang taong umiibig,
Sana ako'y makakabig,
Para ikaw makamit.Tila isang bulalakaw,
Nang aking ika'y matanaw,
Mahirap abutin,
Ngunit napakaganda sa paningin.Oh aking giliw,
Bakit ako'y iyong binaliw,
Kung hindi mo rin kayang saluhin,
Huwag nalamang paasahin.Sa dinami rami ng aking nakilala,
Bakit ikaw pang laging walang alaala,
Napakasakit mang isipin,
Na ika'y hindi mapapasaakin.Dahil ika'y sa iba nakatingin,
At iba ang iyong hangarin,
Sana ako'y mapanisin,
Kahit sa salamin.Ito'y nagsimula,
Noong ika'y nakilala,
Pintig nitong puso,
Tila makina ng uminit ay nakapapaso.Dumaan ang mga araw,
Na ako'y laging lingaw,
Dulot ng paghanga,
Ngunit ako'y laging nganga.Sana ako'y kilalanin,
At hindi pagkumparahin,
Wag husgahan,
At huwag tatapakan.Minsan ng nagtagpo ating mata,
Akala ko ako'y namamaligmata,
Ito'y tunay,
At walang humpay.Saya ang aking maramdaman,
Ngunit hindi pinakingan,
Dahil alam kong wala naman,
Walang pagasa na ikaw aking makamtan.Ito nanaman ako'y aasa ulit,
Dahil saiyong mga sambit,
Pangalan ko iyong binanggit,
Ngunit bakit?.Madaming tanong aking nais masagot,
Ngunit paano kung ikaw ay nakakalimot,
Kaya idinaan ko nalamang sa isang tula,
Tulang nais sayo'y ibala ng iyong malala.Na mayroong taong nagpapahalaga,
At kaya kang iuna,
Sana ako'y mapansin,
At ito'y aking panalangin.Masakit mang aminin,
Na ako iyong hindi pansin,
Ngunit ako'y magbabakasali,
Na ako naman ay mapansin sa huli.Isang munting panalangin,
Na ika'y mapasakin,
Ngunit huwag madain,
Dahil ito'y kasalanan rin.Pag-ibig nga bang maituturing,
Kung hindi ka kapiling
Mga mata mong nagniningning,
Saakin nahihimbing.Puso kong iyong dinalaw,
Ngayon ito'y iyong iniligaw,
Saan makakarating saan ako pupulutin,
Sa Sakit na nadama saan aabutin.Mga mata mong sa iba nakatingin,
Kaya ako'y hindi mo pansin,
Ako'y isang simpleng dalaga,
Na nais ng halaga.Halaga na mula sayo oh sinta,
Ngunit hindi mo pinakita,
Dahil sa kanya,
Kaya kayo'y masaya.Habang ako'y nagdurusa,
Sa sakit na pinasa,
Ngayon ako'y nagising,
Sa katotohanan na nahihimbing.Ngayon ay tapos na,
Aking pagdurusa,
Sana'y makaahon na,
Sa dala mong parusa.