The Mascot Girl

27 1 0
                                    

I N T R O D U C T I O N:

“Seryoso ka ba sa sinasabi mo Jane?” tanong ko dito kay Jane. My crazy bestfriend. Kanina ko pa kasi siya pinipilit kung anong magandang trabaho. Okay. 4th year students na kami. Wala na kasi ang mga magulang ko. Ang aga kong nangulila noh? Kaya kanina ko pa kinukulit itong baliw kong bestfriend.

“Mukha ba akong nagloloko? I’m dead serious. Just trust me, Okay?” napailing na lang ako. Tama kaya ang desisyon ni Jane. Para naman kasing ang dali-dali ng pinapagawa niya.

“So.. diyan ka lang. Kukunin ko na yung costume.” sabi niya at umalis na siya.

Parang nagaalanganin pa rin ako. Paano kung? May makakita sa akin. Pagtatawanan lang nila ako. Issue na naman sa school. Di pa ako nasanay.

Hindi rin nagtagal dumating na rin si Jane. Dala-dala ang… mascot?? Akala ko ba costume ang sinasabi niya. So ito ang costume. Rabbit design?? Ang init yata niyan pag sinuot ko.

Ano ba naman ‘to si Jane oh.

“Tada! Eto na! Ang cute diba?” tanong niya ang lapad pa ng ngiti. Talagang may gana pa siyang ngumiti?

Napabuntong hininga na lang ako.

“Yan? Yan ang isusuot ko Jane? Seryoso?” sabay turo sa rabbit mascot. Tama nga naman siya. Cute.. pero pero parang ayaw ko kasing isuot ee. Nakakahiya naman ata.

“Leigh. Ilang beses ko ba dapat sabihin sa’yo. Hindi ako nagbibiro.” sabi niya. At tinulak na ako papasok sa banyo. Yung pilit ah. “Sige na Leigh! Dali na! Pasok ka na!” pagpupumilit niya.

“H-ha? Ahh. E- kasi--“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ni-lock na niya yung pintuan. Grabe naman ‘to si Jane oh! Kailangan i-lock pa talaga?

The Mascot Girl [UN-FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon