Luxen's POV
Waaaaaaaaah! Nakakainis! Malapit na akong ma-late.
Takbo. . . .
Takbo. . . .
Takbo. . . .
"O, Lux?" narinig ko ang boses ng bespren kong si Fame nung makapasok na ko sa school gate."Ba't hingal na hingal ka?"
Huminga muna ako ng sobrang lalim bago sagutin yung tanong nya.
"Tumakbo ako. "sagot ko habang naglalakad na kami papuntang room.
"Ha? Ba't ka tumatakbo?"kunot noong tanong nya.
Seriously Fame, seriously.
"Mali-late kase ako. Wag kang tanga Fame."sagot ko nalang.
Minsan talaga to.
Tumango lang sya habang nakangisi.
Di nagtagal di ko namalayang nakarating na pala kami sa classroom namen.
Dumiretso ako sa upuan ko sa tabi ng bintana saka umupo.
"Lux, nagreview ka ba?"tanong ulit ni Fame sa harap ko. Yung desk kase nya e sa harap ng desk ko.
"Ha? Baket? Magtetest saan?" tanong ko naman.
Naku naku! May test ba?
Takte! Hindi ako nag aral ee.
"Kahit naman magreview si Lux, ganun pa rin score nya ee. Bagsak. Hahaha!" narinig kong hagalpak ni Michael.
Hindi ako nainis sa sinabi niya.
Una,totoo naman yun. Kahit anong gawin ko kase,hinding hindi ako tatalino. Tanggap ko na yun ee.
Pangalawa,sadyang gago lang yang si Michael.
"Uy,ang sama mo. Malay naten, magmilagro. Haha!" sagot ko sa kanya.
"Sige, ganito nalang Lux. Pag pasado ka sa test, ililibre kita ng lunch ng isang buwan. Pag bagsak ka........." tapos nagsmirk sya.
Tanga to, tapusin na kaya nya sasabihin nya.
"Ano ?" bored na tanong ko.
"Sandali, nag-iisip pa e. Atat?" tingnan mo to, nakakainis.
Hinintay ko nalang syang magsalita saka tumanaw sa labas.
"Eto na, eto na. Lux, pag bumagsak ka," ngumisi sya tapos tumingin sa pintuan.
Sinundan ko naman yung tingin nya at bigla bigla akong kinabahan.
Pumasok kase ang crush ko na si Ken.
Hihihihihi.
Hala! Anung binabalak ni Michael na hinayupak na to??
"Pag bumagsak ka, hehehe.."