"Uy Eclair! Bilisan mo na baka ma-late pa tayo eh!" Angal ni Rea na hinihintay parin ako sa pag-aayos.
"Wait lang Rea, malapit na talaga ako matapos, promise!"
"Kanina ka pa nagsasabi ng malapit na, eh 30 minutes na ata ang nakakalipas hindi ka pa rin tapos."
"Syempre! Ganyan talaga ang mga cute!"
"Tsk. Dapat talaga sayo ginigising ng alas-kwatro para pagdating ko dito tapos kana eh." sabi nalang ni Rea.
Oo nga pala, hindi pa ko nagpapakilala. Ako nga pala si Eclair, The cutest girl all over the country! Echoss lang. Haha. At itong isa naman na kanina pa naghihintay sakin ay ang boyish best friend kong si Rea. Actually babaeng babae yan noong elementary palang kami. Sobrang hinhin, Pero ngayong graduating na kami, biglang nagkaruon ng kayabangan at kaangasan sa katawan.
Pagbaba ko ay nakita ko na si Rea na tingin ng tingin sa relo nya. Mukhang nag-aalala talaga dahil malapit na kami ma-late. 15 minutes nalang kasi, klase na namin.
"Cute na ba 'ko?" nakangiting tanong ko.
"Oo cute kana. Tara na!" hinila na ko ni Rea papunta sa sasakyan nila.
"Kuya Joe, pakibilis nalang po yung pagdrive ah. 15 minutes nalang po kasi eh." pakiusap ni Rea.
"Okay po ma'am. Mag-seatbelt na po kayo para iwas disgrasya." sabi naman ng driver.
After 10 minutes ay nakarating na rin kami sa School. Itong si Rea mukhang haggard nanaman ngayong araw. Ang dami nanaman nya kasing aasikasuhin. Syempre parte kasi ng HSC(Highschool Student Council) ang BFF ko. Pinauna na niya 'ko sa classroom dahil may meeting pa daw sila.
Pagdating ko doon ay may ibang bumabati saaken. Yung iba naman ay kinukulit ko at laging tinatanong ng "Cute ba 'ko?"
Hindi naman sila naiirita saaken dahil nasanay na sila. Katunayan nga ay sinasagot nila yon at tumatawa nalang.
Pero may isang lalake lang talaga na lagi kong kinukulit pero hindi nya parin ako pinapansin kahit anong tanong ko sakanya.
Lumapit ako kay Justine. Ang pinakapoging suplado na nakilala ko simula freshman days ko.
"Uy Justine, Cute ba 'ko?" tanong ko sakanya. Tiningnan lang niya ko at itinuloy ang binabasa nya.
Niyugyog ko sya at tinanong ulit.. Justine! Cute ba 'ko?" nakatingin pa rin sya saakin. Those cold eyes. imbis na matakot ako, mas nainlove pa ata ako!
Hindi pa rin nya sinasagot yung tanong ko. Hayy. :(
Nung lunch time ay magkasama kami ni Rea. Doon lang kami sa garden ng school kumaen. Sobrang dami kasing tao sa canteen.
Habang nagkukwentuhan kami ni Rea ay lumapit saamin si Paul.
Hinawakan nya ang kamay ko at tiningnan ang mga mata ko. "Magandang binibini. Pwede ba kita alayan ng isang kanta na galing sa aking puso?" naghiyawan naman ang mga kabarkada nya na malapit lang pala saamin. Tiningnan ko si Rea, Mukhang nag-iisip sya ng paraan kung paano paalisin sila Paul. Naiirita kasi sya sa mga ito. Kahit rin naman ako naiirita sa Paul na toh. Agad ko namang hinatak ang kamay ko sa pagkakahawak nya,
Hinawakan ni Rea ang balikat ni Paul. "Masyado kang makapilipino pakner! Saka alam mo ba, natutunan ko na kung paano mag-lechon! Gusto mo bang maging hapunan ka namin ng pamilya ko mamayang gabi?Sayang yung taba mo o!"
Tumingin naman sya sa mga kabarkada ni Paul "Saka isama mo na rin yang mga kabarkada mong isda. Mukhang may proteins din ata akong makukuha sa mga yan."
BINABASA MO ANG
Cute ba 'ko? (One Shot)
Teen Fiction"Ganoon naman talaga iyon diba? Hindi mo maeexplain kung bakit mo mahal ang isang tao. Kusa mo nalang kasi itong mararamdaman."