Chapter 11

16 1 0
                                    

"ayoko ngang sumakay dyan ! sa iba nalang tayo. -,-"

ano ba naman tong si brent ! kalalaking tao ayaw sumakay sa star frisbee.. T.T tss..

napagpasyahan namin na pumunta nalang sa star city since wala naman ibang mapuntahan.. syempre nagpalit muna kami ng damit. duh. masyado namang pormal yung suot namen.

"sige na naman. bakla kaba ?! di ka naman mamatay dyan e! isang sakay lang sige na..." sabi ko at hinila na sya para pumila. mwahahaha humanda ka sakin brent cortez >:))

"@##*@$?!*@**@*&"

"ano? may sinasabi ka ba dyan ha?!" sabi ko at tinignan sya ng masama

"wala!" sabi nya at umiwas ng tingin. haha iritang irita ata sya..

"e bakit ka naninigaw dyan?!!" sabi ko . di ko namalayan na malapit na pala kami. mabilis naman ang pila kasi madami ang uupuan. kaya hindi masyadong nakakabagot.

so its our turn now..

"pwede naman kasing sa iba nalang e. tsk.." sabi nya habang padabog na naglalakad patungo sa upuan nya.

tsk. parang bata naman. haha

"wala ka namang magagawa its our turn na." sabi ko pagkaupo at inayos ang seatbelt ko.

after i-check ng lalaki kung secure naba yung mga seatbelt namin ay sinenyasan nya na yung lalaki na nagooperate.

"ohh.. fuck.." narinig kong bulong ni brent hahaha this is going to be fuunn !!

the ride started swinging left.. right.. habang umiikot kami.. hanggang sa palakas ng palakas at pabilis ng pabilis..

di ko ata kakayanin ito. dapat pala sinunod ko nalang si brent T.T

"WAAAAAAHHHHHHH!!!!" sigaw ko. lintek di ko na kaya....

"ANNOOO CELLLIINNEE MAASSSAAYYAAA KAA NAAA BAAA?!!" litsi tong ugok na to nakuha pang mangasar oo na tama na sya T.T

nagpatuloy lang kami sa pagsigaw hanggang sa matapos yung ride.

nahihilo padin ako..

"ano? haha ang sayaa!!" sabi ni brent habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. hala baliw nanaman -,- at inilahad nya sakin ang kamay nya at inalalayan akong bumaba.

sumakay pa kami sa ibang mga rides hanggang sa magpagpasyahan naming maupo na.

habang naghahanap ng bench ay di ko mapigilang hindi sya pagmasdan.  this man is a goddes. hindi maikakailang gwapo nga ito kaya maraming nagkakandarapang babae sakanya.

actually ito ang first time ko na umalis na kasama ang isang lalaki. i mean yung umalis na hindi date ? gets? yung totoo ako sa sarili ko. hindi nagpapaka bitch.. at yung mga tawang lumalabas sa bibig ko ay totoo at hindi fake ..

"ito tubig oh. uminom ka muna. :))" sabay abot sakin ng isang bottled water.

"ganyan kaba talaga kabait at ka gentleman??" natanong ko nalang sakanya.

"bakit mo naman natanong yan ?" sabi nya at uminom ng tubig.

"hmm.. wala lang.."

"tsk. sira haha.. malaki ang respeto ko sa mga babae. because i love my mom. hahahaha" at umiwas sya ng tingin.

ano bang klaseng sagot yun?! hahahaha abnoy talaga..

"ikaw? napansin ko man hater ka.. tandaan mo.. hindi lahat ng lalaki manloloko. wag mo idamay ang mga inosente tulad ko. haha" nasabi nya sabay akbay..

"nasasabi mo yan kasi hindi mo naman alam kung anong nangyari. tss." sabi ko sabay tanggal ng kamay nyang naka akbay saakin.

"then why dont you tell me. you can trust me celine. :)"

--------------

The Bitchy Man-HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon