Flightless Bird

7 1 0
                                    

Nananahimik lang ako sa isang tabi, medyo kuntento na 'ko sa mga bagay na karaniwang nangyayari sa buhay ko. Okay naman lahat, tho' medyo boring ang takbo ng buhay ko hanggang sa makilala kita sa pinaka-hindi inaasahang tagpo ng buhay ko. 

"Miss! Miss!" alala ko pang sigaw mo habang tumatakbo (?)

"Miss! Miss sandali lang!" sigaw mo hanggang sa mapalingon na ako sa'yo. Hindi ko naman kasi alam na ako 'yung tinatawag mo eh hindi naman tayo magkakilala. 

Huminto ako para hindi ka na tumakbo pa at ikinunot ang noo para ipakita sa'yong nagtataka ako kung bakit mo 'ko tinatawag. 

"Ah kasi miss," panimula mo na parang nahihiyang naiilang sa gustong sabihin. 

Sa totoo lang, sa sobrang pagka-assuming ko, akala ko magko-confess ka ng love sa'kin. Yung parang nababasa ko sa mga libro tsaka 'yung mga napapanood ko sa mga movies. Yun bang parang may secret admirer ako tapos ikaw 'yun.

"Ah kasi miss... m-may,"  parang bumilis ang tibok ng puso ko noong naramdaman kong kinakabahan ka sa sasabihin mo. Bumilis hindi dahil gusto kita kundi dahil na-e-excite ako. First time ko kayang makarinig ng love confession. Gusto ko 'yung ma-experience kahit hindi naman kita kilala.

"May...? may ano?"  sabi ko pa na nagpe-pretend na nagtataka lang.

"Miss kasi may tagos ka" at ang lahat ng pagde-day dream ko ay naglaho ng sabihin mo 'yan. Agad akong napatingin sa white pants na suot ko kung saan kitang-kita nga na may tagos ako. Noong mga oras na 'yun parang gusto ko ng magpakain sa lupa sa sobrang hiya. Kaya kahit may tagos, tumakbo ako ng tumakbo pero napansin kong humahabol ka at panay pa rin ang tawag.

"Miss sandali lang! Miss!!"  wala sana akong balak huminto kaya lang naabutan mo ko at nahawakan sa may bandang pulso. Muntik na akong matumba sa sobrang lakas ng pagkakahatak mo buti na lang hindi. 

Nakayuko lang ako noong mga oras na 'yun kasi sobrang hiyang-hiya ako sa'yo. Hello? stranger ka kaya, tapos lalaki ka pa... tapos 'yun pa 'yung eksena sa pants ko. Kung bakit kasi naisip isip kong mag-white pants kundi rin naman ako engot eh 'no?

"May jacket ako sa'yo na lang, takip mo jan sa pants mo.Pasensya na kung...a-ah, basta... alam mo na?" hindi man ako makasagot kasi feeling ko nilalagnat na 'ko sa sobrang init ng pakiramdam ko dahil sa hiya, na-gets ko naman kung anong ibig sabihin mo.

Tanda ko pang inalagay mo sa kamay ko 'yung itim na jacket. 

"Sinabi ko lang naman sa'yong may ano ka kasi feeling ko mas nakakahiya kung maglalakad ka dito sa sidewalk tapos mas marami pang makakitang may ganyan ka. Gusto ko lang talagang i-abot sa'yo 'to para kahit papaano matakpan 'yan," gusto ko sanang mag-thank you sa ginawa mo kaya lang wala ka na noong inaangat ko ang ulo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flightless BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon