Fake it: Three

12 1 0
                                    

Attention

Hingal hingal kaming napasandal ni Amy sa mga nakahilerang lockers.

"Muntikan na tayo, ah." Natatawa kong sabi kahit kinakapos pa ako sa hininga.

"Anong muntikan? We're barely in time. Mabuti na lang at mabait naman kahit papano yung lalaking natamaan mo at pinalampas nalang ang nangyari." Iritang pagkasabi ni Amy na hinahabol parin ang hininga niya.

Napangiwi ako. "Anong pinalampas? Sinermonan pa nga ako."

Natatawang pinalo niya ako, "That, my dear friend is to educate you."

Napairap nalang ako. "Tara na nga, malelate na talaga tayo nito."

"Kita na lang tayo mamayang lunch, Okay?" Tanong ni Amy.

"Sige." Ngumiti ako at tsaka pumasok na sa room ko.

One of the good things when your teacher is not here yet in your classroom ay hindi ka mapapagalitan and you'll be save from embarrassment especially when you're late, no hot seats and you can still do the things you're doing at that moment and you want to do with no restrictions, pero hindi mo naman yon ma-eenjoy kung palaging maiingay yung mga kaklase mo na parang mga nakatakas sa zoo and throwing crumpled papers everywhere.

That's life. I told myself

Papunta na ako sa upuan ko ng may tumama na crumpled paper eksakto sa mukha ko.

Napapikit ako't dinig na dinig ko ang tawanan nila. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at walang emosyong tumingin sa mga taong nakatawang tumitingin sakin.

I sighed. Ayan na naman sila.

I bent down to pick up the paper at saka ko tinapon sa basurahan.

"Serve you right, nerd." hindi ko na kailangan malamam kung sino nagsalita dahil isa lang naman ang nagsasabi nyan sakin

Stella Madrigal ang isa sa sikat dito sa school namin.

Pumihit ako paharap at tiningnan siya habang nakasandal sa desk niya suot suot ang 10 inches niyang heels, mini skirt at crop top. Kasama ang mga alipores niya na nakatingin rin sakin at tumatawa.

Of course! Highschool won't be highschool kapag wala ang mga labels, positions, ranks at kung ano ano pang walang kwentang bagay.

Queen Bee, cheerleaders, jocks, nerds, clowns, genius, commoners, populars, heartthrobs, and other shiz. Name it we have it.

"Sorry miss, akala ko kasi ikaw ang basurahan eh." tawang tawang sabi ni Adam Sy, member ng basketball. Nakaupo siya sa isang desk at may hawak na crumpled paper.

"Hanep ka pre."

"Ulul! Hahahaha."

"Oy! Baka umiyak yan! Hahaha."

Sigaw ng mga kapwa team members niya. Natawa na naman si Adam, "G*go! Matanda na yan, di na yan iiyak. Diba Lala?" natawa sila ng malakas at sumabay narin sila Stella.

Ngumisi lang ako, "Oo, matanda na kasi ako. Kaya, Adam Sy?"

"Yes?" Natatawa parin niyan tanong.

"I suggest you get your eyes check?"

"Why is that?" ang kaninang tumatawa niyang reaksyon ay napalitan ng pagkainis but he still managed to sound like he's mocking me.

"Oh nothing much is just that gaya nang sinabi mo matanda na ako and so are you. Kaya pakitingnan yang mata mo para sa susunod ay alam mo na kung nasaan ang basurahan kasi medyo lumalabo na ang paningin mo, medyo lang naman, okay?" nakingiting sabi ko.

Let's Fake ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon