Kabanata 1

13.1K 272 83
                                    

Kabanata 1

Akin

Binuhat ni Vien ang nakita kong lalaki hanggang sa kanilang bahay. Wala na akong pakealam kung hindi kami ayos, ang mahalaga ay itong lalaking walang malay. Pinahiga niya ito sa couch. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin kaya tinitigan na muna namin siya sandali.

Inabot ni Vien ang tuwalya sa gilid at inilagay sa aking ulo. Kiniskis niya ito sa aking buhok para matuyo ngunit basang basa pa rin ang buo kong katawan. Namuo ang tubig sa aking kinatatayuan at maging sa kinatatayuan ni Vien.

"Bibigyan ko siya ng hangin." pasya ko dahil pakiramdam ko ay kaunti nalang, malalagutan na siya ng tuluyan.

"The fuck? No! Hindi ako papayag." magkasalubong ang kanyang kilay at inis na inis siya sa sinuggest ko.

"Oh sige, Vien, sino sa tingin mo ang gagawa noon sa kanya?" tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw?"

Hindi siya nagsalita. Umigting ang panga niya habang nakatingin sa akin na parang ayaw niya talaga ang gagawin ko. Heck, hindi namin puwedeng panuorin na mawalan ito ng hininga. Konsensya pa namin iyon. May kaalaman naman ako kahit papaano kung paano siya bibigyan ng hangin kaya confident ako.

Lumunok si Vien ngunit ang diretso niyang kilay ay nanatiling ganoon. "Gawin mo na..." he said tsaka tumalikod.

Ginawa ko kung ano ang alam ko. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at binigyan ng hangin ang kanyang bibig. Ilang ulit ko iyong ginawa hanggang sa umubo siya at tumalsik ang kaunting tubig mula sa kanyang bibig. Kumunot ang noo niya at parang hirap na hirap siya kaya humarap na si Vien.

Ngunit imbes na ang lalakinv umuubo sa harapan namin ang bigyan niya ng pansin ay nasa akin agad ang tingin niya. Nilapitan niya ako at tinaas ang dulo ng kanyang damit at pinunasan ang labi ko gamit noon. Halos magdugo na ang labi ko sa sobrang diin ng pagpunas niya roon.

"Ano ba, Vien!" hinawi ko ang kamay niya.

Nagsukatan kami ng tingin. Walang gustong magpatalo at walang gustong magpakumbaba. Wala akong ginagawang masama kaya hindi ako ang magpapakumbaba.

"Nasaan ako?" naputol ang titigan namin nang biglang magsalita ang lalaking kanina ay inuubo lamang. Nanatiling magkasalubong ang kilay niya dah sa hirap habulin ang hininga.

"Hala! Nagkaamnesia ka ba?" nanlaki ang mata ko at niyugyog ko ang braso ni Vien dahil sa pagkataranta.

"No. I know my name. Alam ko kung saan ako galing at kung ano ang nangyari sa akin." unti-unti siyang umupo at para akong nakahinga sa mahigpit na pagkakasakal sa akin sa kanyang sinabi. "The thing is, hindi ko alam kung saan ako dinala ng tubig... anong lugar ito?"

"Nasa bayan ng Sta. Cruz ka. Saan ka ba galing?" tanong ko dahil wala yatang balak magsalita ang lalaking nasa tabi ko na ngayon ay iirap irap pa rin.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto niya. Hindi ko nalang din pinansin dahil kung tutuusin ay hindi dapat kami ayos ngayon, kung hindi lang dahil sa lalaking ito na nakita ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki. Hindi kahabaan ang kanyang buhok ngunit medyo kulot iyon kaya akala mo ay magulo. Malayang tumutulo mula roon ang tubig dagat at ang ilang buhangin na dumikit sa kanyang pisngi at ilang parte ng katawan. Maganda at perpekto ang pagkakadepina ng kanyang panga na kung ilalagay ko ang daliri ko roon ay baka masugat ako. Namumula ang labi niya at mamasa masa. Hindi ganoon katangusan ang kanyang ilong ngunit hindi iyon naging hadlang sa kanyang kakigisan. Ang mata niya ay maamo ngunit hindi mo maikakaila ang panganib doon.

"You fancy him?" agad na nagsalita si Vien sa aking tabi. May tono iyon ng pagseselos at normal na iyon dahil girlfriend niya ako.

"No!" mabilis akong umiling iling.

Lost IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon