1

3 0 0
                                    

August 02 2017

Isang turok ng injection ang gumising sa akin. Naramdaman ko kasi yung karayom na kasalukuyang nakatusok sa braso ko. May isang nurse na nakatayo sa harapan ko.

"Oops. Wait." Sabi niya habang nakangiti. Naalala ko tuloy yung linyang "parang kagat lang ng langgam" kapag tuturukan ka. Maya-maya ay nilapatan na niya ng bulak ang braso ko. "Ayan, okay na." sabi niya pagkatapos.

Mas lalong umaliwalas ang mukha niya nang humarap siya sakin.

"Congratulations. You've made it." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "I know you will." pahabol niyang sabi na may kasamang kindat at saka siya umalis.

Anong ibig niyang sabihin? May sapak ata yung nurse na yun. Maling pasyente ata ang nasabihan niya ng congratulations. Tinurukan niya lang naman ako. Hindi naman malaking bagay yun.


"Sabihin mo sa doctor na gising na yung pasyente sa room 109. Siguradong matutuwa siya kapag nalaman niya." Narinig kong sabi nung nurse na lumabas habang sinasarado niya ang pintuan ng kwarto ko.

Dahan-dahan akong napatingin sa paligid. Bakit andito ako? Naka-dextrox pa ako? Naramdaman ko ding may benda ang ulo ko. Umikli ang buhok ko. Pakiramdam ko din na pumayat ako. Kailangan ko ng salamin para makumpirma kong umikli nga ang buhok ko. Ayaw ko pa naman ng maikli dahil nagmumukha akong si Dora.

Napahawak ako sa ulo ko at saka nag-isip.
Isipin mo Rhea, ano bang ginawa mo? Isip. Isip.

"Ah! Oo nga pala,"sabi ko sa sarili ko. Napangiti ako nang maalala ko. "Nadulas nga pala ako sa 5th floor malapit sa hagdan pababa tapos napadiretso akong gumulong sa 4th floor." Napa-iling nalang ako at natawa nang maalala ko kung papaano ako nahulog. "Hay. Isang araw nanaman ng kahihiyan ang ginawa mo Rhea."

Napatingin naman ako sa paligid. Masyado naman atang malaki ang kwarto ko para sa isang tao. Mas malaki pa ata dito ang kwarto ko sa bahay eh. Doble pa nga siguro.

*insert ringing tone (korean song)*

Napagitla ako sa narinig ko.

"Ano 'yon? Hala, ano 'yong maingay na tumutunog?" Napatingin ako sa paligid. Feeling ko tunog mula sa isang cellphone yun. Ringing tone ata yun o nagpapatugtog sila sa labas? Kaso, hospital magpapatugtog ng ganun? Napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng ibang lengwahe. "Ha? Alien ba 'yong kumakanta? Bakit parang ibang lenggwahe? Hindi yun tagalog. Mas lalong hindi english o bisaya. Tsabakano kaya?" Lumakas ng lumakas ang tunog. Tumingin-tingin ako ulit sa paligid. Hinanap ko mula sa ilalim ng unan, papuntang kumot, sa maliit na cabinet na nasa tabi ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng vibration mula sa kama ko.

"Oh my gosh. Ano 'yon? Susme bakit ako lang ata ang nakakaramdam? Wala akong naririnig sa labas na ingay." Napalaki ang mata ko nang lalong lumakas ang vibration. Hanggang sa natauhan ako nang may makita akong umiilaw sa gilid ng kama ko (sa may kaliwa, nasa kanan yung cabinet). May naipit na bagay sa pagitan nung bakal at mula sa foam nung kama. Napahawak ako sa dibdib at napahinga ng malalim.

Biglang namatay ang ilaw at nawala ang vibration pagkahawak ko. Eh? Ang weird naman ng bagay na to. Isang... isang... isang...

"Ano 'to?" Takang tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdang at inuusisa ang hawak kong bagay. Masyadong malaki ang bagay na 'to para maging cellphone. Wala naman akong naaalalang may ganto nang phone ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters for myselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon