Relationship Status: It's Complicated

474 13 0
                                    

Lahat ng tao makakaranas ng love.

Love. Love. Love. LOVE ...kung titignan natin parang napakasimpleng salita lang. Pero dahil sa simpleng word na yan, madami na ang sumaya, umiyak, nabigo at muling bumangon. Simple, pero tagos sa buto humagupit. Ika nga nila, "simple pero rock."

Ngunit, ano nga ba ang LOVE?

Totoo nga bang LOVE is BLIND? LOVE is SACRIFICE? LOVE is HAPPINESS?  ... Ah! basta ako, ang alam ko, no one can give the proper definition of love. Kanya kanya tayo ng diskarte diyan. Ika nga nila, "ako mismo!"- oo, tayo mismo, sa mga sarili natin ang gagawa ng kanya kanya nating love story. At hindi lahat ng love story, 'happily ever after' ang ending... mayroon ding mga 'good bye forever' ang kinahinatnan.  Masaya, malungkot, halo- halong emosyon... NAKAKALOKA!

Pero, siguro wala ng mas nakakalokang love story dun sa 'more than friends DAW kayo pero walang feelings' --- COMPLICATED? ganon? hmmm... Masaya ka dahil anjan siya... pero sa kabilang banda, malungkot ka pa din dahil hindi mo alam kung ano ka ba talaga sa kanya... Minsan ang saya saya mo dahil ang sweet sweet niya sa'yo... pero biglang papasok sa isip mong hindi nga pala kayo... Masakit, mahirap umasa... NAKAKATAKOT... nakakatakot isugal yung relationship na mayroon kayo at yun ung tinatawag na "friendship".  Minsan magugulat ka na lang at masasabi sa sarili mo na, "ang hirap magmahal ng taong hindi mo alam kung ano ka sa kanya, ang sakit!  pero alam kong wala naman akong karapatan. AYOKO NG MAGMAHAL."

Pero aminin man natin o hindi, nagdudulot man minsan ng lungkot at pagkabigo ang LOVE na yan, isa pa din to sa mga dahilan kung bakit tinatawag tayong 'TAO'... Taong umiiyak, nabibigo, nasasaktan pero ganon pa man tao pa din tayo na  pagkatapos ng lahat ng iyon... muling tatawa, babangon at higit sa lahat muling MAGMAMAHAL.

Relationship Status: ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon