Chapter 3: Paano na Kaya

118 3 0
                                    

~La la la la la...

"Vaaaaaal!!! Vaaaaaal!!!"

"Oh, Oinks, ang aga aga mo naman. Ano bang meron? Saturday ngayon ah, walang pasok..."

"Ayun na nga eh, walang pasok, samahan mo naman ako oh..."

"Samahan? saan?"

"Sa puso mo..."

"Tse! San nga? Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising! baka mapatay kita jan."

"Easy... Chill... samahan mo naman ako sa Batangas!"

"Batangas ba kamo? Ale eh, ang layo naman eh."

"Sige na, please... para kay Mica tong gagawin natin... pupuntahan ko kasi ung tunay na Ama ni Mica eh para sabihin ang nangyare sa kanya, at para makahingi na din ng tulong."

"Sige na nga. Sasama na ko...," "Pasalamat ka mahal kita." (pabulong)

"Ano sabi mo Toks?"

"Ah, eh, wala, sabi ko gwapo mo, bingi ka lang talaga...oh, bibihis lang ako at magpapaalam kay Mama. Magdadala pa ba ko ng damit?"

"Oo naman, magtatanan tayo tapos wala kang damit? haha ang wild mo naman! haha."

"Tse ka talaga! Duh? tanan?"

"Biro lang, haha 'di ka na nasanay... dala ka ng kahit isang pamalit mo...babalik din naman tayo kaagad eh."

"Sige. Wait a minute ah, jan ka lang."

****************************************************************************************************************

"Oi Oinks! tapos na ko. Tara na."

"Nasaan nga pala si Mama... este si Tita? Paalam na tayo..."

"Mama ka jan, bakit? Mama mo?"

"Magiging Mama ko pa lang 'pag kinasal na tayo, eggsayted much?"

"Sira ulo ka Gino!"

"Oh, mga anak aalis na ba kayo ?"

"Opo Mama..."

"Oi Gino, mama ka jan? umayos ka nga!"

"Ma, huwag po kayong mag- alala at iingatan ko po ang anak niyo."

"Oh, sige mga anak, mag- ingat kayo."

"Hala, sinakyan pa ni Mama ang trip ni Gino, hay..."

****************************************************************************************************************

SA BUS...

"Ang cool talaga ni Mama kahit kailan... este ni Tita pala..."

"Natuwa ka na naman at sinakyan ni Mama trip mo."

"Haha... anong trip ka jan? Totoo un..."

"TSE!!!"

"Aray naman Val, maka.TSE, wala namang Tsetse fly dito ah."

"Ahhhhhhaaay..."

"Oh... huwag kang ngumanga baka mapasukan ng langaw yang bibig mo! haha."

"Naku, Gino ah! lahat na lang napapansin mo."

"Val, pwede bang magtanong?"

"Oh? ano yun?"

"Ah... eh... wala, nakalimutan ko na ung itatanong ko eh."

"Ngay, binibitin mo ko, ganon?"

"Haha."

"Lakas talaga ng sapak mo Gino!"

Relationship Status: ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon