Prologue

25K 125 4
                                    

"Patawad, anak", yan na lamang ang nasabi ng aking mga magulang habang hinahatak ako ng mga di kilalang lalaki palabas ng aming bahay.

"BITAWAN NIYO AKO!!", pagpupumiglas ko sa mga lalaki ngunit masyado silang malalakas at marami "Ma! Pa! Tulungan niyo ako!", pagmamakaawa ko sa aking mga magulang, ngunit nanatili lamang silang nakayuko at walang ginawa

Nawalan na ako ng pag-asa nang tulayan na nila akong naisakay sa isang sasakyan.

"San niyo ako dadalhin?! Palabasin niyo ako dito! Tulong! Tulong!", pagpupumiglas ko ngunit natawa na lamang ang mga lalaking kumuha sa akin

"Manahimik ka, bata at baka di kami makapigil sa iyo", sabi niya habang hawak ng mahigpit ang aking magkabilang pisngi gamit ang isang kamay.

Masakit.

Lahat sila ay sabay na nagtawanan na parang may masamang binabalak kung sakaling mag-ingay pa ako.

'Di nagtagal ay tumigil na din ang sasakyan at naaninag ko ang isang malaking gate na may nakalagay na malaking S.U. sa itaas na bahagi nito.

Pinababa na ako ng mga lalaki sa kotse at di ko maiwasang isipin kung ano na ang mangyayari sa buhay ko ngayon...

-------------------------------------------------------
A/N: First time kong gumawa ng story kaya pasensya na kung pangit... Ipopost ko 'to kung sakali mang may magbasa at kung meron man, itutuloy ko ung story.

HAPPY READING ^-^//

Sex UniversityWhere stories live. Discover now