The Sound of Her Words

1.6K 59 35
                                    

The Sound of Her Words
Turn pain into power.

Story theme song:
Citizen Way - I Will

Maganda ang message ng song, maganda kung pakikinggan niyo 'yon pagkatapos niyo 'tong basahin. May maiwan sanang aral sa inyo mula sa story na 'to.

CamsAnn

///

Sa edad na 19, naintindihan ko ang ibig sabihin ng linya ng Mama ko noon. Back then, I was so young to understand those words.

"May mga pagkakataon sa buhay nating mga tao na sobrang miserable tayo. Kapag dumating 'yung araw na susubukin ka na ng mundo, 'wag kang susuko. Don't run, mapapagod ka lang at lalong magiging miserable. Harapin mo ang mga pagsubok anak, magiging malakas at matapang ka."

I laughed at the thought. Nang sinabi kasi sa 'kin 'yon ni Mama noon, ngiting-ngiti ako habang nakikinig. Minsan lang kasi siya maglaan ng oras para sa pamilya. Once in a blue moon wisdom from her.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa pintuan ng classroom, sinalubong agad ang mukha ko ng 'di gaanong mahapdi sa balat na sikat ng araw. Dumiretso ako sa upuang bakal na nasa loob ng bakuran ng Science Garden.

Humiga ako sa mahabang upuan na 'yon at ibinagsak sa damuhan ang hawak kong eraser ng blackboard. Pinagsiklop ko 'yung dalawang kamay ko sa likod ng ulo ko para maging unan.

Kapagod. Bakit kasi um-absent 'yung secretary...

I closed my eyes and then the wind did all the talking. Feeling ko niyayakap ako ng hangin... somehow comforting. Peaceful na sana lahat maliban sa kalooban ko.

Nang tumunog na 'yung wrist watch ko, dumilat na 'ko. 4PM. Uwian na.

Bumangon na 'ko at pinulot 'yung pambura. Nagtakip ako ng ilong saka ko ipinagpag 'yon sa malapit na pader. Kitang-kita ko 'yung mga lumipad na dumi.

Nagulat naman ako nang pagtalikod ko, may isang babaeng nakatingin sa 'kin. Tumitig siya sa mga mata ko. Pagkatapos ng ilang segundo, ngumiti siya. It was weird, yet genuine? Not sure though.

"You love to write. Am I right?" She asked out of the blue. Kilala ko siya. Nagturo siya sa klase namin one time, last week, dahil absent 'yung teacher namin. Naalala ko siya dahil magaling siyang magturo.

"Ahh, ang totoo po, nakakapagod magsulat sa board. Doble hirap pa kasi need ko rin po mag-lecture sa notebook. Napilitan lang ako magsulat kasi absent secretary namin. So honestly, I dooon't love it po." May paggalang ang tono ko sa pagsabi no'n.

She laughed a bit. "No dear. I mean love for creative words. Inspiring stories, poems and such," she said. Nakangiti siya na parang komportable siyang kausap ako... na parang kilala niya 'ko.

Ahh so literature...

Napakunot ang noo ko. "I'm sorry po but I think you're wrong. Hindi po ako mahilig sa ganyan. Mauna na po ako," sabi ko at saka siya nilagpasan.

"The little things. The tiny details. The step by step process. Those are my favorite parts when I'm writing stories. Because eventually, those small pieces will complete the puzzle and it will all make sense." She said. Wala akong choice kundi huminto.

The Sound of Her WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon