Trap # 3 ♥

131 7 4
                                    

Chapter Three

Ang bigat ng pakiramdam ko sobra, para kong pinagbagsakan ng langit at lupa eh. Hindi ko alam kung susuko na ba talaga sa matinding paghanga kay Kiel. Nakita na ng dalawang mata ko eh, ano? Mas pipiliin ko pa bang magbulag-bulagan at patuloy siyang hahangaan? TEKA HA? WAIT LANG? PAG-IISIPAN KO MUNA YUNG SARILI KONG TANONG. Nakakaiyak ng labis-labis sagad sagad, forever, wagas! Nung nakita ko sila kanina nagpatakan yung mga tubig-tubig sa mata ko eh. Hindi sila nahiyang lumabas! Mga traydor na luha! Nakakaasar buti nalang si Arlie lang ang kasama ko. Pinatahan niya ko, at siya ang nanlibre sa'kin ng four seasons zagu grande. O diba? Galante? Araw-arawin ko kaya ang pag-iyak baka sakaling araw-arawin din niya ang panlilibre sa'kin? KURIPOT kasi yon! Rich kid naman? Munshunga lang diba?

After niya kong patahanin at ilibre heto umuwi na kami. Papasok na nga ako ng gate namin eh. Teka lang bubuksan ko lang yung gate namin. 


*WIWIIIIING*
sound effects 'to! Wag kang mawindang! Yan ang naririnig ko 'pag nagbubukas ako ng gate eh.

At binuksan na ang pintuan ng bahay namin, pagpasok ko yung kapatid ko agad na bruho ang bumungad sa sala habang naglalaro ng kung ano. Xbox? PS3? PS4? Ewan ko! Basta may baril siya tapos may zombies. Aakyat na'ko sa kwarto ko at kasalukuyang nasa hagdanan nang magsalita siya.

“Ano ba naman yan ate? Bakit ganyan itsura mo? Pangit na nga papangit pa lalo. Wala ng pag-asa” sabi niya ng hindi nakatingin sa'kin doon lang siya kasi nakatingin sa nilalaro niya. Fotekk ka AJ! Ako? Pangit? Aba aba ang ganda ko kaya! Ibato ko kaya sa kanya 'tong flower vase.

“Ang gwapo mo ha?” sabi ko naman sa kanya.

“Alam ko. Ano? Hanga ka na naman sa kagwapuhan ko? Tsk tsk.” Ang hangin ng kapatid ko nakakainis! Bwisit siya! Mukha namang ipis! Makapal lang talaga mukha niyang sabihing gwapo siya.

“Oh? Gwapo ka? Teka Aj ha? Kahit kapatid kita hindi kita susuportahan diyan! Ni hindi ko nga mahanap kung nasaan ang kagwapuhan sa pagkatao mo! Asar ka! Tsaka mo nalang ako kausapin 'pag nahanap mo na din yang kagwapuhan mo sa katawan ha? Bibigyan kitang bente 'pag nahanap mo. Pangako yan!” sabi ko sa kanya at tuluyan ng umakyat sa kwarto ko. Pero narinig ko pa siyang sumigaw eh.

“ANG PANGIT MO ATE! NAKAKAINIS KA! NADEAD TULOY AKO! ANG PANGIT MO!” diba? Ang sweet niya? Damang-dama ko eh. Ganyan niya ko kamahal :). 

Pagdating ko sa kwarto ko humiga agad ako sa kama kong pink at tumingin sa kisameng pink. Oo pink ang kulay ng kwarto ko wag ka ng magtaka kung puro pink ang lahat ng bagay dito! :3

Nag-iisip kasi ako eh, iniisip ko yung sagot sa sarili kong tanong kanina. Susuko nalang ba ako? Ganun nalang ba 'yon? Kung umamin ba'ko kay Kiel kanina may mangyayari ba? May pag-asa ba? May mapapala ba'ko sa pagsabing si Drake ang gusto ko? Sagutin niyo nga ako! Naguluhan lang ako lalo sa iniisip ko eh. Nagflashback naman daw yung mukha ni Kiel na tumatawa kasama si Nika. Nagtutubig na naman yung mata ko. Wag niyong sabihing mababaw kasi hindi niyo alam ang nararamdaman ko. Ang tagal kong kinimkim yung pagkagusto ko sa kanya. Ang tagal ko ng may gusto sa kanya. Gagraduate ata akong siya parin ang gusto ko! Huwag na huwag mo kong sasabihang O.A dahil may kilala kong mas O.A si BEASTfriend yon! Oy ha? Hindi si Arlie 'yon ibang tao tsaka ko na sasabihin kung sino at pwedeng hindi na din. 

My Own Trap [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon