21

855 20 33
                                    

Sana's POV

"Anong oras na ah, di parin ba bumabalik sila Dahyun?" Nag-aalalang tanong ko  habang di mapakali sa kinaroroonan ko.

"Easy lang Sana, 7:00 pm palang naman" Pagpapakalma naman sakin ni Nayeon.

"Nasa JYPE building daw sila. Yun yung sabi ni Jeongyeon" Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Momo, thank god.

"Ang daya naman ni Jeongie, dapat sakin niya sinasabi yang mga bagay na ganyan eh" Reklamo nitong si Nayeon unnie.

"Aba malay ko ba unnie, tinext lang niya sakin eh"  Sagot naman ni Momo.

"Uy Sana! San ka pupunta?!"

Wow, ngayon lang talaga nila ako napansin ah. Kung saang papaalis na ako.

"Sa JYPE Building! " Sigaw ko at tuluyang sinara ang pintuan.

Sumakay narin lang ako ng taxi at inihanda agad ang 1,000 Won.

Ang ingay dito sa loob ng taxi pero nasisiyahan rin ako kasi nakakagaan sa feeling tong kantang dust in the wind . Kahit medyo luma na ay okay lang..

Ng nakarating na kami sa JYPE Building ay mabilis ko ng inabot ang bayad, medyo konti lang naman yung sukli kaya hinayaan ko nalang.

Sakto namang papasok na ako ng makita ko naman si manager oppa.

"Oppa!" Sigaw ko, nasanay narin naman siguro sila sakin kaya ok lang yun.

"Oh, what brings you here?" Tanong niya at kinuha muna ang salamin na suot niya.

"Oppa, nandito ba si Jeongyeon at sila Dahyun?" Tanong ko na.

"Oo. Si Jeongyeon lang yun nandun sa office ni Pd-nim. Pina-check kasi sa kanya yung mga schedules niyo dahil ayaw na niyang ipatawag pa dun si Jihyo. Pero sila Dahyun, wala dun" Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi ni Manager oppa, eh nasan sila?

"Ganun po ba.." Malungkot na saad ko at yumuko nalang.

"Pero sabi ng isang staff, nakita niya daw si Mina na pumasok ng elavator? Di lang niya alam kung san papunta" Bigla naman akong nabuhayan dahil sa sinabi niya.

Pero nasan nga ba sila?

"Si Mina lang nakita niya?" Nagtatakang tanong ko.

"Basta may kasama daw si Mina, di niya ma-klaro yung mukha kasi naka-ub-ob daw kay Mina" Sabi ni Manager oppa .

"Ah.. sige na po, mauna na po kayo baka busy kayo eh" Sabi ko at nag-bow sa kanya.

Pumasok naman ako ng elevator at pinindot lang yung up.

Saan nga ba sila nagpunta? Imposibleng nasa 6th floor sila kasi wala naman kaming rehearsal ngayon.

Tapos wala din dun sa Office ni PD-nim. Imposible namang nasa ibang floor sila kasi mga office worker na yun nandun at kung ano-ano pa.

Mas lalong imposible kung iisipin kong nasa ground floor sila ngayon.

Pero yung huli nalang, sa main kitchen nitong building na to which is sa pinaka-dulo. Baka nagutom sila kaya pumunta sila dun.

Hindi ko nga rin alam kung bakit mas pinipili nilang lagyan ng kitchen yung pinaka-dulo ng isang hotel o Building. . Pero dito kasi, mini kitchen lang yun. Napupuntahan lang ng mga staff kapag wala na talaga silang time mag-order.

Pagpunta ko dun ay ang aliwalas rin naman ng nakikita ko. Wala ni isang tao dito..

Nasan na kaya sila? Nasan ba?

It was (After all) |MiHyun/SaiDa Fanfic|Where stories live. Discover now