Author's Note:
Two parts lang po itong story na ito. Di ko pa napa-publish yung kasunod. Pakibasa na lang po. Haha. Read, Vote and be a fan. Kung gusto niyo lang naman. :D
-- Kimmy ♥
* * * * *
Bago ang lahat, magpapakilala muna ako. I'm Denise Lopez. Isa akong architecture student sa isang university sa Manila. Wag niyo nang alamin kung saan. Haha! Fourth year na ako at isang taon na lang ay ga-graduate na ako. Pero di ko na yata maaabutan ang graduation kasi aalis na ako dito. Di ko pa rin nasasabi sa boyfriend ko na malapit na akong umalis. Ayoko kasing malungkot siya. Pero meron pa naman akong one month bago tuluyang umalis. Kaya susulitin ko na ang mga araw na makakasama ko si Zack. :">
Nagkakilala kami ni Zack sa isang beach. Natatawa nga akong isipin na siya pala ang magiging boyfriend ko kasi ang panget ng first meeting namin. Habang naglalakad ako sa beach di ko sinasadyang mabunggo ko siya. Ayun, tumapon yung dala kong juice sa damit niya kaya galit na galit siya sakin. :D
Pero nung nagsorry naman ako nawala na yung galit niya. Tapos dun na nagsimula ang lovestory namin. :">
Three years na kami ni Zack. Ang tagal na namin nu? Syempre kasi sobrang mahal na mahal namin ang isa't isa. Haha..
Papunta ako ngayon sa park. Gusto kasi ni Zack na makipagkita sakin ngayon. Namimiss siguro ko. *smile*
Zack's PoV
Halos 30 minutes na akong naghihintay sa park pero wala pa rin si Denise. Late na naman siya as usual. By the way, I'm Zack Mendoza, ang boyfriend ni Denise. Pero magiging ex na ngayon. Makikipag-break na kasi ako sa kanya. Wala namang kasalanan si Denise. Katunayan nga ay siya ang halimbawa ng isang perfect girlfriend pero kasi.. Iba na ang mahal ko.. Ngayon di ko alam kung paano ko sasabihin kay Denise na tapos na ang lahat sa amin. Ayoko siyang saktan dahil minahal ko pa rin siya. Pero kailangan ko 'tong gawin. Ayoko namang lokohin siya kaya habang maaga pa tatapusin ko na 'to..
"Zack? Hello?? Nandito na ko uy!"
"Aa- eh ikaw pala yan Denise.. Ka-kanina ka pa?"
"Hindi naman. Kakarating ko lang. Teka nga, bakit namumutla ka diyan? Para kang nakakita ng multo ah.."
"Ganito kasi yun Denise eh--"
"Ano yun??"
"Break na tayo."
"Oh Zack, c'mon! Stop joking! Bumenta na sakin yang drama na yan dati. Haha.."
"No. I'm serious. I'm so sorry Denise. May mahal na akong iba. Si Tifanny."
Napaupo si Denise sa bench. Bakas sa kanyang mukha ang gulat at lungkot. Yumuko siya at dun na nagsimulang pumatak ang mga luha niya. Nakukunsensya ako sa ginawa ko pero kailangan ko 'tong gawin. Sorry Denise.. Sorry.
Pinunasan na ni Denise ang mga mata niya at tumingin sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Sige papayag akong makipag-break sayo. Pero may isa lang akong hihinging pabor sayo," sabi nya sa akin.
"Ano yun?"
"Gusto kong puntahan ulit natin lahat ng mga lugar na pinuntahan nating magkasama simula nung naging tayo. Isang buwan lang naman ang hinihingi ko sayo. Pagkatapos nun malaya ka na.."
Medyo mahirap ang pabor na hinihingi niya sakin. Pero sige, pagbibigyan ko siya. Tutal may pinagsamahan din naman kami.
Denise' PoV
Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Di ko inakalang mangyayari ito sa amin. Pero mabuti na rin siguro 'to. Di na malulungkot si Zack sa pag-alis ko. Malamang kasi na hindi na ko makakabalik pa pag umalis na ko. Kaya heto, humingi na lang ako ng favor sa kanya. Last na 'to kaya sana pagbigyan niya naman..
"Sige pumapayag na ako sa gusto mo."
"Salamat Zack.."
Nilapitan ko siya at yinakap ng mahigpit. Ito na siguro ang huling pagkakataong mayayakap ko siya... </3
To be continued..
BINABASA MO ANG
I love you, GOODBYE
Teen FictionMinsan kung kailan huli na ang lahat, doon mo lang malalaman ang tunay na halaga ng isang tao sa buhay mo..