Denise' PoV
Tinupad naman ni Zack yung hiniling ko sa kanyang favor. Pinuntahan namin lahat ng mga lugar kung saan kami nagkaroon ng magagandang memories. Inuna naming pinuntahan yung Enchanted Kingdom. Dun kasi yung first date namin. Naalala ko nga nung first date namin binili niya ako ng maiinom kasi uhaw na uhaw na ako. Syempre kinilig ako dun. Next naman naming pinuntahan yung Baguio, then Palawan and so on.. Marami kasi kami talagang pinuntahang mga lugar nung kami pa. Mamimiss ko yun. Halos matatapos na yung one month na hinihingi ko kay Zack. Pagkatapos nito malaya na siya..
Ngayon papunta kami dun sa beach kung saan kami unang nagkakilala. Ito yung last naming destination. Magiging memorable ito para sa akin.
Zack's PoV
Habang pinupuntahan namin lahat ng mga lugar kung saan kami nagpunta dati, I reminisced all the good memories that we shared together. I missed the old "us". Bakit ba kasi nagloko pa ako. Okay na lahat eh. Ang tanga ko naman para iwan ko si Denise. Now I realized something. I really love her. I LOVE DENISE! Hindi ko na siya hihiwalayan, kahit kailan. Siya yung babaeng gusto kong makasama habang buhay. Bukas aayusin ko na ang lahat. Pero ngayon kailangan kong tawagan si Tiffany. I dialed her number on my phone.
*ring*
*ring*
*ring*
"Hello babe! What's up?" tanong ni Tiffany.
"Hindi na ako makikipaghiwalay kay Denise. I love her."
"What are you saying?? You said you love me!!"
"Sorry Tiffany. Nagkamali ako. Mahal ko si Denise at siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Alam ko namang makakahanap ka pa ng ibang magmamahal sayo," I told her.
"LIAR!! I hate you Zack! I HATE YOU!!!"
*toot* *toot* *toot*
Tiffany ended the call.
Bukas aayusin ko na ang lahat sa amin ni Denise. Di ko na siya sasaktan ulit. Mahal na mahal ko siya.
Kinabukasan..
Denise' PoV
Ano bang nakain ni Zack at may pa-blind fold blind fold pa siya sa akin. Wala tuloy akong makita. >_<
"We're here," sabi niya sakin.
"Nasan ba kasi tayo?"
Tinanggal na ni Zack yung blindfold sakin. Napa-wow ako sa nakita ko. Nasa beach kami kung saan kami nagkakilala. And take note, may table for two. May mga pagkain din. Mga favorite ko 'to ah! Pinaupo ako ni Zack sa chair. Wow! Ang gentleman naman. Anyare sa kanya? Haha..
"Zack, ano 'to? May sakit ka ba ngayon? Malala na ba??" pang-iinis ko sa kanya.
Nag-smile lang siya sa akin. Yun yung smile na nagpa-in love sakin. :">
Tiningnan ko yung plate. May pink rose and letter. Kinuha ko yung letter at binasa.
"Denise, I love you. I can't live without you. Can you be my girlfriend again? I know that I broke your heart. But I promise you that I will never do that again. Sorry for hurting you. Can you give me another chance?" --Zack
Unti-unting tumulo ang luha ko. Di ko alam ang sasabihin. Nakita ko si Zack sa tabi ko. Lumuhod siya.
"Denise, I love you. And I want to prove that. Please give me one more chance."
"Ano pa bang magagawa ko? Eh mahal din kita. Tumayo ka na nga diyan."
"Thank you Denise! Thank you!" niyakap niya ako ng mahigpit.
"Balak mo pa ata akong patayin sa yakap mo eh. Uhm, Zack.. I want to tell you something.."
"Yes my Princess?" naka-smile siya.
"No matter what happens, just remember that I love you, always and forever."
"And I love you too."
He kissed me gently on the lips.. I will remember this day forever. :')
Pero sana mapatawad ako ni Zack..
"Zack, panuorin natin yung sunset. Tara dun." sabi ko sa kanya.
"Sige." *smile*
Umupo kami sa buhangin tapos sinandal ko yung ulo ko sa shoulders niya. Medyo inaantok ako. Gusto kong matulog.
"Zack I'm sleepy."
"Sige matulog ka na. Bubuhatin na lang kita papunta sa room mo mamya."
"I love you."
"I love you too sweetie. Sleep tight."
Zack's PoV
I kissed her forehead. Ay tulog na agad siya. Haha.. Ang cute niya talaga. Binuhat ko na siya papunta sa room niya sa hotel. Ang bigat niya pala. Pag-gising niya sasabihin ko na magdiet siya. :D
Binaba ko si Denise sa kama niya.
"Sleep well Princess. I love you."
"I... Lo--ve... y--you.."
Ay, nagsasalita ng tulog. Kakaiba talaga 'tong si Denise. Haha! Pumunta na ako sa sarili kong kwarto. Uuwi na kami ni Denise sa Manila bukas. Magsisimula kami ulit.
17th May, Thursday
Zack's PoV
Nag-ayos na ko ng mga gamit ko. Aalis na kasi kami ni Denise. Babalik na kami sa Manila. Mapuntahan nga muna siya sa kwarto niya.
*lakad*
*lakad*
*lakad*
Ay, tulog pa pala siya. Linapitan ko siya.
"Uy Denise! Gising na! Babalik na tayo sa Manila. Denise--"
"DENISE!!! HINDI!!!!!!!!!"
One month later..
Di ko pa rin matanggap na wala na si Denise. Isang buwan na ang nakalipas simula nung makita ko siyang walang buhay sa higaan niya. Ang sakit. Di man lang niya sakin sinabi na may cancer siya at may taning na ang buhay niya.
"Andaya-daya mo Denise!" bigla ko lang nasabi habang umiiyak ako. Nasa puntod niya ako. Dinalaw ko siya. Pupunta na akong Amerika bukas para maka-move on na. Pero di ko pa rin siya makakalimutan. Siya pa rin ang mamahalin ko habambuhay..
"Zack.."
Tumingin ako sa likod ko. Yung Mama pala ni Denise.
"Hi Tita Demi."
"Nakita ko ito habang nag-aayos ako ng gamit ni Denise. Para sa iyo 'to."
Kinuha ko yung papel na inabot sakin ni Tita Demi. Isang sulat. Galing kay Denise..
"Hi Zack. Uhm, siguro nakaalis na ako ngayong binabasa mo 'tong sulat na 'to. Sorry di ko sayo sinabi na may sakit ako. Ayoko kasing malungkot ka. Mahal na mahal kita Zack. Salamat sa 3 years na pinagsamahan natin. Di ko yun makakalimutan. Sana sumaya ka sa piling ni Tiffany. Mahalin mo siya tulad ng pagmamahal mo sakin. At salamat sa one month na nakasama kita. Pinasaya mo ako ng sobra. I love you Zack. GOODBYE.." --Denise
-THE END-
Author's note:
Sana nakapulutan niyo ng aral yung story na 'to. Kaya habang nandiyan yung taong mahal niyo, ipakita niyo sa kanya na mahal niyo siya. Baka kasi isang araw bigla na lang siya mawala at magsisi ka. Yun lang. Drama much! Haha.. Salamat sa pagbabasa! :)
-- Kimmy ♥
BINABASA MO ANG
I love you, GOODBYE
أدب المراهقينMinsan kung kailan huli na ang lahat, doon mo lang malalaman ang tunay na halaga ng isang tao sa buhay mo..