"Good job, Sapphire! You're really one of a kind."Nakangiti akong naglakad palabas sa nagliliwanagang ilaw na mahigit limang minuto ring nakatutok saakin.
"Thanks, Tito Olly. You know what, napakalaking tulong mo saakin." I smiled sweetly as I held his hand.
Since I enter this world of showbiz hindi niya ako iniwan. Minsan siya pa ang nakakasama ko when it comes sa endorsement or anything.
"It's nothing, my darling. Ako nga dapat ang magpasalamat sayo. Pagkalapag palang ng eroplano kami agad ang pinuntahan mo pata sa magiging surprise comeback mo. And you really did a great job."
Tumango ako at hinagkan syang muli bago umalis patungo sa dressing room ko.
"Come on, guys. Let's pack up!"
"Great work, Saph. Tara labas tayo? My treat." kaway ng akin ni Cheska. I shook my head as an answer. "Sorry. Pass muna ako ngayon. May pupuntahan pa kasi ako."
Magmula bata palang ako namuhay na ako sa harap ng camera. Sanay na ako sa mga maliliwanag ilaw at sa mga sigaw ng mga photohrapher at direktor na minsan ay nakakabingi sa kakautos nang dapat mong gawin.
Well, of course a little part of me was shaded. Nang dahil sa kagustuhan ng mga tao sa paligid kong sumikat ako ay nakalimutan ko na rin kung paano mamuhay ng walang iniisip kundi ang mga normal na bagay lang.
Pero kahit anong kagustuhan 'kong makabalik ay hindi ko na kayang gawin pa. I'm already here. I choose this. This is me.
Dala ang aking mga gamit nagpahatid ako kay Mang Gregor pauwi ng bahay. Siya ang laging kasama ko dati pagdating nang mga ganitong photoshoot ko. Sumakto nga lang na siya ang free ngayon pag-uwi ko.
"Mang Gregor, nabili mo po ba yung pinapabili ko?" tanong ko habang kinakalikot ko ang bag na dala ko.
Tumango ito at ibinigay saakin ang strawberry cake na binili pa sa Sweet Desire. I smiled as I read the small letter na isinulat pa ata nung nag-bake.
'Strawberry cake for your bitter heart.'-Cristine.
Bitter? Paano naman magiging bitter ang taong inlove na inlove? And yes, I'm talking about Mikaela Michelle who seems too smitten to Kerko.
Pagbaba ko palang ay sinalubong na kaagad ako ng mga kasambahay.
"Welcome back po, Miss Sapphire. Sobrang tagal niyo rin po sa France,"
I smiled back. "Oo nga. Two years is quite too long."
"No, it's fine. Hindi naman mabigat. Kahit yung cake lang yung dalihin niyo. Salamat," ani ko ng kukunin na sana nila ang mga maleta ko.
Hindi pa naman ako nakakapasok sa kwarto ko ay isang maingay na bulungan ang narinig ko. Oo, maingay talaga. Yung tipong maririnig sa labas.
I shook my head and grinned. As I expect from them.Hinawakan ko ang door knob para sana pumasok pero laking gulat ko ng nakalock. Ilang ulit akong kumatok at akmang magsasalita nang bigla itong bumukas.
Isang nakangiwing Mikaela Michelle ang bumungad saakin.
"Bakit nakalock?" I kissed her cheek bago ako pumasok pero kaagad siyang lumapit saakin.
"I just so hate you guys! I told you not to lock the door diba?" Miks pouted. Hindi ko mapigilang tumawa nang makita ang mga lalaking nasa harap ko na may suot na wig.
And yes, I'm talking about Hunter and Thunder.
Hunter shrugged at her. "Don't me, Michelle. Si Thunder ang naiwan sa pintuan."