Me

18 1 0
                                    

Ako si Lexie, sampung taong gulang.

Mula nang mamatay si daddy sa isang car accident, nagpalipat lipat na kami ng matitirhan dahil walang makuhang trabaho ang mommy ko.

Hanggang sa makahanap siya ng trabaho sa isang lugar sa Bulacan kaya agad kaming humanap ng matitirhan malapit dito.

Malaki naman ang bahay na napaglipatan namin kaya may sarili akong kwarto.

Sa kwartong ito, lagi akong may nararamdaman.

Isang beses may nakita na rin akong isang bata sa may bintana na halos kaedad ko lang.

Ngunit hinayaan ko na lang dahil baka isa lang itong kapitbahay na naglalaro sa labas.

Sunod ko siyang nakita sa repleksyon sa salamin na nakahiga sa kama ko at masamang nakatingin sa akin.

Kaya nagdesisyon akong kausapin si mommy tungkol dito ngunit di siya tumutugon sa mga sinasabi ko.

Mula nang mangyari ang aksidente, hindi na ako kinakausap ni mommy.

Hindi niya na rin ako binibisita sa kwarto ko tuwing gabi.

Kaya iniisip ko na lang na hanggang ngayon ay di pa rin niya matanggap ang nangyari kay daddy.

Minsan nakikita ko siyang hawak ang litrato naming tatlo, habang umiiyak.

Siguro miss na miss na niya si daddy.

Hindi na din ako pinag-aral ni mommy, siguro dahil wala na si daddy at hindi na sapat ang pera namin pampaaral sa akin.

Naiintindihan ko naman ang aming sitwasyon.

Ngayong umaga, pagkagising ko, ay nakita ko si mommy na paalis.

Hindi man lang ako sinabihan.

Hindi man lang ako binati.

Oo! Kaarawan ko ngayon at ang alam ko wala siyang pasok sa araw na ito kaya nagtataka ako kung saan siya pupunta.

Tinanong ko siya kung pwede ba akong sumama, hindi siya nagsalita kaya sumunod na lang ako sa kanya at sumakay sa sasakyan.

Nakarating kami sa sementeryo.

Siguro dito kami magdidiwang ng kaarawan ko kasama si daddy.

Ngunit pagdating namin doon, nagtirik siya ng kandila sa dalawang magkatabing puntod.

D-dalawa?

S-sino yung isa?

Sa aking pagtataka ay lumapit ako upang tignan ang mga pangalang nakaukit dito.

Richard Soner, si daddy.

At Lexie Soner?

A-ako?

P-patay na ako?

Bigla na lang nagsalita si mommy,

"Happy Birthday anak! Kamusta ka na? Nandito si mommy para icelebrate natin ang birthday mo kasama si daddy.

Alam mo ba hanggang ngayon, naiiyak pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang nangyaring aksidente? Sana ako na lang ang namatay, masyado ka pang bata. Pero sana masaya na kayo ni daddy mo kung nasan man kayo dyan"

Naalala ko bigla yung batang nakikita ko lagi ay ako mismo.

Nanduon siya upang ipaalala sakin na wala na ako at kaylangan ko na iyong tanggapin.

Bigla na lang tumulo ang luha ko at niyakap si mommy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Creepy StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon