*CHAPTER 1*
*tok! tok! tok!*
Anak! gising na! umaga na oh,may pasok ka pa!
"opo ma, babangon na po ako"
"osige! bilisan mo ha!"
"opo ma!"
haist! si mama talaga oh! kung gisingin ako parang first day of school palang eh buwan na ng Marso! and last day na namin sa eskwelahan, ang gagawin nalang namin ay magayos ng requirements para makuha yung marka.
Agad naman akong bumangon at ginawa ang daily routine ko.
By the way I am Skyla Andrea Rodriguez Park, 15 years old, half Korean and half Filipina. Nasa sinapupunan palang ako, iniwan na kami ng papa namin, hindi ko man lang sya nakita, kahit picture nya wala akong makita, mabuti nalang si kuya nakita nya si papa at nakasama kahit 2 taon lang eh ako? hindi. Hays.
*After 30 minutes
natapos rin ako sa daily routine ko at bumaba na upang kumain ng agahan at makapunta na sa eskwelahan ng maaga.
"good morning ma!" kiss sa cheeks
" morning"
"good morning kuya" kiss din sa cheeks
"morning din bunso"
siya ang kuya ko ang pangalan niya ay Cloud Andrei Rodriguez Park 17 years old. Grade 11 student sa Ayushi Academy. Mukha nga raw kaming kambal pero sa pangalan lang naman haha sabi kasi ni mama mas maganda kung magkakalapit ang pangalan ng magkakapatid.
"maupo kana anak, bilisan nyo at baka mahuli kayo sa eskwela"
"opo"
habang kumakain naisip ko, saan kaya kami magbabakasyon nila kuya at mama? sana doon kami sa probinsya ng bicol sa kanila lola, namimiss ko na kasi sila
Natapos na rin kaming kumain at sumakay na sa sasakyan ni mama,
kahit papano may trabaho pa rin naman si mama, isa syang business woman at may ari ng 3 Hotel and Restaurants, 1 sa Canada na pinapapabantayan ni mama sa tito ko, at 2 dito sa Pilipinas na siya rin ang mismong nangangalaga.
"Ma, san po tayo magbabakasyon next week?" tanong ni kuya
mabuti nga at naitanong ni kuya gusto ko ring malaman
"saan nyo ba gusto?"
"sa Canada nalang kaya ma" sabi ni kuya
"hindi naman pwede anak may trabaho ako dito, hindi ko yun pwedeng iwan, hindi ko rin naman kayo pwedeng iwan dun busy din ang tito nyo sa pagbabantay ng restaurant natin"
"*sigh* sayang naman"
"eh ma, dun nalang kaya tayo sa probinsya dun kanila lola" sabi ko miss na miss ko na kasi si lola
"gusto mo ba dun Cloud?" tanong ni mama kay kuya, sana kuya pumayag ka please?
"okay lang ma, total dun gusto ni bunso, tsaka malapit na rin naman ang anniversary ni lolo kaya okay lang"
"osige dun nalang"
Yes whoho mahal talaga ko ni kuya hihi malapit na nga ang anniversary ni lolo sa lunes na, bakasyon na namin nyan. Namatay si lolo dahil inatake sya sa puso habang natutulog hay! miss na rin kita lolo!
Nakarating na rin kami ni kuya sa Ayushi Academy. Pagpasok namin sa gate narinig ko nanaman ang bulungan ng mga tao, as always naman.
"ang gwapo naman ni Andrei" girl 1
YOU ARE READING
My Summer Love
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na nakilala ang kanyang pinakamamahal noong panahon ng tag-init.