Oi Higanteng Mik,
Oo higante ka kasi ang tangkad mo.
Pero para sa'kin pumapandak ka.
Dati kasi nasa utak lang kita ngayon nasa puso na kita.
Ang korni no?
Pinapatawa lang kita.
Alam ko naman kaseng masaya ka sa pili ng iba.
Natuwa ako ng magkita tayo ulit.
Akala ko, we still have our 2nd Chance.
But I was wrong.
Sino nga ba ang niloko ko?
Sinaktan kita at ano ang ineexpect ko?
ANG BALIKAN MO KO?
Totoo nga ang sabi nila.
Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sayo.
Sana hindi ko inintay na mawala ka pa sa'kin bago ko nalaman ang halaga mo.
Naiinggit ako hindi dahil sa ang ganda ng pinalit mo sa'kin. Haha.
Kundi dahil siya na ang kasama mo ngumiti ngayon.
Siya na ang madalas mong kasama ngayon.
Siya na siguro ang kinakantahan mo ng mga corny mong kanta habang nag-gigitara.
At higit sa lahat, siya na ang mahal mo NGAYON.
Kaya sana makarating sayo to.
Matagal ko na tong gustong sabihin sayo.
Sorry .
Sorry dahil hindi ako nagtiwala sayo.
Sorry dahil iniwan kita.
Sorry dahil nasaktan kita.
Sorry dahil nakipagbreak ako sayo at hindi ko sinabi ang dahilan.
Ang totoo kasi talaga nyan.
Oo mahal kita.
Pero natatakot ako na baka makahanap ka agad ng iba.
Lalo na at wala ako sa tabi mo at gwapo kang nilalang ka.
Bakit kasi kailangan nyo agad lumipat?
Hindi naman ako ang unang nang-iwan kundi ikaw.
Pero ang tanga ko para isipin yun.
Kaya sana masaya ka na talaga sa kanya.
Sana mahal ka niya talaga.
at sana mahal mo pa din ako.
xoxo,
Raika
BINABASA MO ANG
Regret Letters
Short StoryTurn your regrets to letters and let the world send them to THAT PERSON