#1
GF: Kawawa nman yung ex-BF ko!
BF: Bkit naman?
GF: Balita ko since mgbreak kami 7 yrs ago ay palagi ng naglalasing!
BF: Wow haba ng celebration!
#2
MARIA: Nay, pwede po ba ako sumama sa NIGHT SWIMMING ng mga kaklase
ko?
NANAY: Ok lang anak,basta wag ka MAGPAPAGABI ha?
MARIA: Opo nay, promise!
#3
TATAY: Aba himala! 1 oras ka lang nagbabad sa telepono! Dati-dati 6 na oras! Sino ba yung kausap mo?
JUAN: Ewan ko po tay, WRONG NUMBER lang!
#4
JUAN:Nay,ako lang po nakakuha ng line of 9 sa test namin!
NANAY:Wow, yan ang anak ko! Ilan b nakuha ng mga klasmeyts mo?
JUAN: Lahat po 100!
#5
JUAN: Marami nagsabi na makulit daw ako. Totoo ba? Na makulit ako?
Ha? Totoo ba? Ano? Sagot! Totoo ba? Ha? Totoo? Ano?Hoy!Ano? Makulit
ba ko?
#6
JUAN: Dok, ako po yung pasyente nyo LAST YEAR!
DOC: Oo naaalala ko! may problema ba?
JUAN: Itatanong ko lng po sana kung pwede na akong maligo!
#7
JUAN: Tay, sabi po nila pg front view kmukha ko si Rizal,pag side
view kamukha ko si Bonifacio. Ano ibig nila sabihin?
TATAY: Mukha kang pera!!