Unang Paraan

19 1 0
                                    


Athena


"Isang daan at labing isa
Gagawa para lang sayo
Nawa'y makampante ka
Na sayo lang ako"

"So, what do you think?" tanong ko sa kaibigan kong si Gabrielle na ngayon ay nakangiwi na ang labi pagkatapos basahin ang aking tula.

"Seriously, Thea? What the hell is this crap?" napairap na lang siya sa'kin.

"Gab, " nginitian ko siya nang matamis saka nagsalita ulit. "This is what you call Love." malalim kong sagot.

"Ha? Paano naging Love 'yan, aber?" naguguluhan niyang tanong saka umupo nang maayos sa kama ko.

"Paano? Simple lang, hindi naman mahalaga yung rhyme ng tula or yung bilang ng bawat letra eh. Ang mahalaga dyan, yung sinasabi nito. Kung ano ang nilalalaman ng puso nung gumawa." pagpapaliwanag ko.

"Sus, tumigil ka sa kahibangan mo." napatayo na siya.

"Kasi alam mo kung bakit?" tanong nito.

"Oh, bakit?" tanong ko na lang at saka ko shinut down yung laptop ko.

"Kasi walang puso 'yang minamahal mo! Wake up! Go and enjoy your teenage life! Hindi yung pinag-aaksayahan mo ng oras 'yang mga bagay na walang halaga sa kanya!" imbyernang sagot nito bago padabog na sinarado ang pintuan.


"Bakit ganun si Gab?" tanong ko sa sarili ko.

"May galit ba siya sakin o sadyang ayaw niya lang talaga kong masaktan kay Dave?" napatulala ako pagkabanggit sa pangalan niya.

Napangiti ako. "Ayos lang, naiintindihan ko si Gab." kinuha ko ang notebook ko na puro plans at to-do list ang nakapaloob. Kumuha ako ng black ballpen sa stock ko sa study table bago umupo at nag-isip kung ano ang mga paraan na gagawin ko para sa minamahal ko.


Nag-isip galing sa puso.


- - - - - - -

"Hoy, losyang! Gumising ka na dyan!" rinig kong sigaw ni Gab sa labas ng kwarto ko. Bumangon ako at napa-aray ako sa sakit ng batok ko. Nakatulog pala ako sa study table.

Napahawak ako sa batok ko at tiningnan ang notebook ko na punumpuno ng paraan. Napangisi ako.

Biglang bumukas ang pintuan. "Hoy! Ano ba! Iiwan na kita, bilisan mo!" nakatapis pa lang siya ng tuwalya at padabog na namang sinara ang pinto. Nakakaawa naman yung pintuan, kagabi pa binabagsak.

"Seven o' clock na! Bilisan mong gaga ka!" sigaw pa nito. Napatingin ako sa orasan ko dito sa kwarto. Ala sais pa lang. Tiyak magte-take out lang kami ni Gab ng almusal sa isang fast food chain.

Dali-dali akong kumilos at nag-ayos para sa klase. Dapat ten o' clock nagsisimula ang mga klase kasi sa ganung oras gumagana ang utak ng mga estudyante. Ang tanga ng people pero okay lang, naiintindihan ko sila.

Napatingin ako sa wrist watch ko at saktong 6:30 pa lang nang nakasakay ako sa kotse ni Gab. Grade 12 pa lang kami pero may kotse na siya. Cool, right? Regalo kasi ng dad niya nung nag-debut yung gagang 'yon. Teka, nasa'n na 'yun? Tingnan mo yung babaeng 'yun, nauna pa 'ko kaysa sa kanya.

Bumukas ang pintuan ng driver seat at agad na pumasok si Gab. "Sensya ka na Thea, ah. Maaga kasing pinapapunta yung officers eh." agad nitong pinaharurot ang sasakyan at nawalan ako ng control sa sarili kaya sinuot ko ang seatbelt sa gilid ko. Papatayin ata 'ko nito.

"Wala na bang oras para magtake out ng almusal?" I asked Gab who's seriously driving too fast. Malalim iniisip nito, pustahan oh.

"Sorry, Ya. Urgent meeting eh." so, bakit hindi siya makatingin sa'kin? Is she lying? At ginamit niya pa yung 'Ya' ko na nickname which is rare niya lang banggitin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang daan at Labing IsaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon