Makinig Ka Muna Kasi!

593 18 0
                                    

"Dear Lord, I hope you bless us for today's challenges," sabi ng prayer leader namin na si France.

Pero iba ang nasa utak ko.

"Lord, sana magkatuluyan kami ni crush! Sige na po! Magpapakabait na po ako, promise! Iloveyou po!" tatlong beses sa isang araw ko yan dinadasal. Bakit ba? E sa desperada akong makuha si crush.

"So today, our lesson would be blah blah blah chuchuchu arichikukika churva churva."

Sa bahay na lang ako mag aaral niyan... Wala talaga kasi akong maintindihan. Hindi dapat ako papasok ngayon pero ang gwapo kasi ng katabi ko kaya napilitan ako. Tahimik lang akong nagbabasa ng Finding Cinderella dito sa likod.

Halos lumabas na sa dibdib ko ung puso ko ─ kamuntikan nang malaglag ung libro ko dahil may humampas sakin.

"Ano ba!" sabi ko.

"Oh oh, pass the message nga daw e."

Edi hinampas ko din katabi ko. Madalas ako nakikiride sa mga kalokohan ng mga kaklase ko eh, lalo na pag pass the message tapos katabi ko crush ko. Hahahaha!

Pagkalingon niya bigla niya akong kinurot sa mukha. O.O

"Ang sabi pass the message. Hindi maglandian." sabi ni Claire. Porket president siya, lagi na niya tinitignan ung pagkapresident nya as an advantage samin. Tingin nya siya dapat sinusunod.

"Onga. Yun nga pinapapasa ko." Sabi ni Jacob.

Umirap lang si Claire. E pano kung humangin bigla tas ganun nalang forever mata niya? Oh well.

So ayun. Syempre. Dumating sa point na nahuli kami. Kailangan daw nakikinig sa lesson nya. Eh wala nga nakikinig sakanya. Hu yu meyking loko ma'am.

"Ayan, ayan nanaman kayo. Hindi kayo makikinig tapos pag bumagsak sa akin ang sisi niyo." hay. Ang famous line ng mga teachers. N to the A to the K to the A to the K to the A to the U to the M to the A to the Y.

Sino ba may pangdukot diyan? Pwede bang mahiram? Konti nalang madudukutan ko na ng mata si Claire e.

Natapos ung klase na naghahampasan, naghaharutan kaming magkakatabi.

*Bzzzt bzzzt*

Torpe ako. Manhid siya. Ano ending namin? Ayun. Nganga.

Gm.

Fafa Jacob Alejandro

Oo na, malandi na ako. Gusto ko limang pader ung A sa contact niya eh.

To: AAAAA. Jacob Alejandro 

Umamin ka nga, bading ka no?

reply ko sabay enter.

From: AAAAA. Jacob Alejandro ♥

Hoy hindi ah! Grabe kang babae ka!

To: AAAAA. Jacob Alejandro ♥

Edi wow!

From: AAAAA. Jacob Alejandro ♥

Awtsu. Hindi ko nga binabara crush ko ee. :((

Nalaglag naman puso ko dun. May crush daw siya eh.

To: Jacob (Required palitan ang contact na pag na-hurt e.)

So... who's the lucky girl? :)

From: Jacob

Si Queenie. Ung taga *insert name of school*? Tanga naman neto. Hahahaha.

Aray? Natawag pa akong tanga, bwisit. Hinagis ko cellphone ko. Leche.

- 3 hours later -

"Bes, naintindihan mo ba ung lesson?" Tanong sakin ni Ella.

Makinig Ka Muna Kasi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon