Walang tayo..
Oo ang sakit nung walang tayo pero parang meron.Yung mga chokolateng binibigay mo sa akin
Ay akala ko lahat yun may ibig sabihin
Yung tipong magkachat tayo mula umaga hanggang gabi
Yung tipong alam natin ang ginagawa ng isa't-isa kahit di naman tayo magkatabi
Kahit na alam nating bawal tayo sa isa't-isa
Edad pa lamang ay may agwat na
Pero sumugal parin tayo sa kung anumang mangyari
Kahit na di sigurado
Kahit na ang kahihinatnan ay di naman happy ending
Di papigil kahit na ang kinalalagyan natin ay may taning
Isang araw lahat ay nagbago
Wala nang kamustahan na para bang ika'y nagtatago
Sorry na kung di kita naipaglaban
Sorry na kung ikaw ay nahirapan
Sorry na kung dahil sa akin ika'y nasaktan
Inaamin ko lahat ng iyon ay aking kasalanan
Ngayong ilang buwan na ang nakalipas
Iniisip ka pa rin at parang wala ng takas
Ang isip na minu-minuto'y iniisip ka,
Ang taong nasaktan ng husto
Ngunit bakit parang ako yata ang umiiyak?
Bakit parang ako lang ang nakaalala
Sa lahat ng mga magaganda't malulungkot na ala-ala?
Bakit ako lang?
Oo nga pala... Ikaw at ako...
Wala naman palang tayo
Kaya anong pakealam mo
Kung ako man ay nasaktan ng husto
Sa mga salitang binitawan ko mismo
Ngayon ay sinulat ko'to
Sapagkat ngayong araw na'to
Ay natuklasan ko ang tungkol sayo
Na 'In a relationship' na pala ang status mo
Nasasaktan ako dahil napakabilis mo namang mag move-on
Nasasaktan ako dahil ang saya-saya mo sa mga letratong iyon
Naiinggit ako dahil hindi ko magawa ang ginawa mo
Naiinggit ako dahil gusto ko ako na lang sana ang girlfriend mo
Kung pinaglaban kita
Kung ipinaramdam ko sayo na mahal kita
Kung pwede lang tayo
Ay sana matagal na akong nagtapat sayo
At hindi ganito ang kahihinatnan ko.