Oy! Bata!

644 17 0
                                    

"Kapag umalis ka sa bahay na ito, hinding hindi ka na makakabalik pa rito!"

"Oo, aalis talaga ako!"

"Mama..." bulong ko habang umiiyak.

At bigla na lang sumara ang pinto..

Si Mama, umalis sya!

Iniwan na nya kami.

Wala na lang akong ginawa kundi ang umiyak na lang ng mga oras na yun..

Galit ako sa mundo, Galit ako sa mga magulang ko.. Bakit?

Bakit pa nila kailangan maghiwalay!

Okay pa naman kami dati eh! Pero bakit?

Ilang araw na kong nagkukulong sa kwarto, hindi ko kinakausap si Papa..

Umaasa pa rin akong babalik si Mama at magkakaayos pa sila ni Papa..

______________________________________

Dahil sa lungkot, pumunta muna ako sa isang playground malapit sa bahay.

Umupo ako sa bakanteng swing.. Napakatahimik roon, at napakasarap ng simoy ng hangin..

Hindi ko na namalayan, tumutulo na pala yung mga luha ko..

"Oy!"

"Bata!"

"pssst!!"

"Ako ba yung tinatawag mo?" Tanong ko dun sa batang lalaki. Habang pinapahid ang mga luha ko.

Ngumiti muna sya bago nya sinagot ang tanong ko...

"Sino pa ba ang tao dito? At sino pa ba ang bata dito?"

Medyo naasar ako dun sa pagkakasabi nya ng bata..

"Psh! Eh mukhang parehas lang tayo ng age ah!"

"Haha, Maliit ka naman!"

"Ang yabang mo naman."

"Mas cute ka pag galit, kesa pagumiiyak."

natulala ako sa sinabi nya..

"Sino ka ba?" tanong ko ulit.

"Ako? Ako si SUPERMAN."

"Pfffttt!! HAHAHA!!!!! Superman?"

"Tumawa ka din." sabi nya, oo nga nuh!?

"Salamat, haha! Sino ba naman kasing hindi matatawa dun para kang baliw."

"Cute naman *wink*"

"Mayabang ka talaga.. Ah batang Superman, alis na ako ah. uwi na ako sa amin. uwi ka na din. Bye!!" At nagwave ako sa kanya..

Paalis na ako ng hawakan nya yung braso ko, na ikinagulat ko..

"Teka bata, Sabay na ako sayo"

"Sige. :)"

Naglalakad lang kami..

"Bata, saan ka ba nakataira? Para kasing ngayon lang kita nakita dito?" tanong ko dun sa bata.

"Ah, sa lola ko ako nakatira ngayon, actually nagbabakasyon lang ako dito.. uuwi rin ako sa Manila kapag pasukan na, kaya medyo matagal pa ako dito.." sabi nya.

Oy! Bata!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon