Oy! Bata! - Part Four

165 14 0
                                    

Pagkababang pagkababa ko lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

Pero bago pa man sya makapagsalita. Hinampas ko sya sa braso nya. HAHA.

"Aray Mayu! Masakit yun huh!"

"Ganti ko lang yan sayo. San ka nagpunta? Bakit hindi ka dumalaw dito, sabi ni kuya Jomar wala ka daw. Sabihin mo nga sa akin. San ka nagpunta?"

Pero imbis na sagutin nya ako ay niyakap nya ako.

"uhm, Bakit?"

Pero bigla rin syang kumalas sa pagkakayakap.

"Wala! Hindi ko alam na miss na miss mo na pala ako. Wag ka ng magalala kasama yun sa plano ko nuh."

"Plano? Anong plano?"

"Para sa birthday mo. Tara na sa playground."

"Anong meron dun?"

"Basta. Halika na aking mahal na Prinsesa."

Natawa na lang ako dun.

Pagkalabas namin ng bahay andun si kuya Jomar nakasakay sya sa isang tribike.

Ibig mo bang sabihin jan kami sasakay papunta sa playground. How cute.

Bago ako sumakay ay pinisil ko muna yung pisngi nya.

"Thank you Ky."

"Para sa Prinsesa ko gagawin ko ang lahat."

At inalalayan nya ako sa pagsakay.

Malapit na kami sa playground pero biglang kaming tumigil.

May inilabas na panyo si Ky.

"Tatakpan ko muna yang mata mo huh mahal na prinsesa."

Hindi na lang ako tumanggi..

"Mahal na Prinsesa, nandito na po tayo." at inalalayan nya na ako sa pagbaba.

"Ayan dahan dahan, malapit na tayo..........Ayan nandito na tayo.. Maaari ko na po bang tanggalin ang inyong blindfold."

tumango lang ako bilang kasagutan.

Dahan dahan nyang tinanggal iyon. At dahan dahan ko rin minulat ang mata ko..

Pagmulat ko, nagulat ako. Inayos nya yung tent may mga kung anong nakasabit dun pero sa tabi nun ay may maliit na table na may mga pagkain.

Nasa ilalim kami ng puno, at sa punong  iyon may nakasabit na baloons.

"Thank you Ky." hinalikan ko sya sa pisngi. Alam kong nagulat sya sa ginawa ko. Pero pinisil nanaman nya yung ilong ko.

Nagsimula na kaming kumain. Ang sasarap ng mga pagkain.

Maya maya ay may kinuha sya sa loob ng tent, isang maliit na cake. Tapos kinantahan nya ako ng Happy Birthday song.

"Hipanan mo na yung candles mo. Pero bago yun magwish ka muna."

Wish? I wish na sana forever na kami ni Ky, at sana umuwi na si Mama at magkaayos na sila ni Papa. 

Pagkatapos kong magwish ay hinipan ko na yung mga kandila.

"Yeyyyyy!!! Matanda na si Mayu. At dahil matanda ka na, pwede na ba kitang pakasalan?" dahil sa sinabi nyang yun nagulat ako.

Parehas kaming nakatayo. Tapos may nilabas syang dalawang singsing. tapos binigay nya sa akin yung isa.

"Mayu, wear this ring as a sign of my love and loyalty. At ang pagmamahal kong ito ay panghabang buhay. Pangako ko yan sayo. I love you Mayu!"

"Ky, wear this ring as a sign of my love and loyalty. Pangako ko rin sayo na mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan. HAHA! I love you too Ky!"

Natapos na yung kasal kasalan, pero walang kiss the bride ah.

Sobrang sya pero..

Hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Naalala kaya ni Papa at Mama yung birthday ko.

"Mayu! Tara uwi na tayo, pagabi na."

"Sige."

 Ngayon sya naman ang nagdadrive nung tribike. Nawala kasi bigla si Kuya Jomar kanina eh. 

Nang makarating na kami sa bahay. Napansin kong parang madilim sa bahay. Walang nakabukas na ilaw sa loob.

"Ky, bakit walang ilaw?"

Pero natakot ako, kasi nawala si Ky. San sya nagpunta.

Binuksan ko yung pinto.. At biglang..

"HAPPY BIRTHDAY MAYU!!!!"

Sa sobrang saya ko napaiyak ako. Andito si Papa, andito silang lahat. Andito rin si Mama.Sila yaya Flore, Kuya Jomar, at pati na rin si Lola Luisa.

Yung wish ko. Tumakbo agad ako kila Papa at mama para yakapin sila.

"Papa, Mama... I miss you. Thank you." sinasabi ko yun habang umiiyak.

"Anak ko, miss na miss ka na rin ni Mama. Hayaan mo hindi na aalis si mama."

"Talaga po?"

"Oo anak. Hindi na maghihiwalay si mama at papa huh." -sabi ni papa.

At niyakap ko ulit silang dalawa.

"Oh kainan na!" sabi ni Papa.

Pero bago ako sumunod kila Papa, pinuntahan ko muna ang isang bata na kanina ako pinagmamasdan.

"Oy! Bata!" sabi ko kay Ky.

"Masaya ka na? Okay na ang lahat Mayu!"

"Oo sobrang saya ko Ky, sana ikaw rin hindi mo ako iiwan."

bigla syang natigilan sa sinabi ko.

"Ky? May problema ba?"

"Mayu, tara na kumain."

"Hay, sige na nga, Tara na."

At ayun, kumain lang ulit kami. Sobrang saya, madaming palaro. Sana hindi na matapos tong araw na toh..

"Mayu! Aalis na ako huh! Gabi na eh!"

"Sige bye! Pakisabi kila Lola Luisa thank you huh!"

Papasok na sana ako sa loob ng..

"mayu!"

paglingon ko... 

O.O

He kissed me on my lips. Then he hug me.

"Mayu, sorry!"

Sabay tumakbo sya.

"Ky!" tawag ko sa kanya. Pero hindi sya lumingon.

___________________________________

Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. Bakit kaya nagsosorry si Ky. Teka, bakit wala nanaman sya.

Hinintay ko lang sya. Pero wala pa din.

Ky, asan ka na ba?

Papunta ako ngayon sa playground kung saan kami madalas magkita.

Pero wala pa din. Pati yung tent wala na din.

Naiiyak na ako.

May nakita akong papel dun sa may swing. Kinuha ko iyon.

at ito ang nakasulat..

Oy! Bata!

__________________________________________________

Oy! Bata!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon