fifty;

206 17 1
                                    


Gyeoul's

Nandito ako ngayon sa airport naghihintay sa pagdating nila Jisung. Gusto ko ding magsabi ng last goodbye ko. Sobrang lamig ngayong umaga, kaya napayakap nalang ako sa sarili ko.

      Hanggang sa may nakita akong malaking van, andyan na yata sila. Hindi muna agad ako lumapit. Feeling ko hindi ko kayang harapin si Jisung.

  "Mga hyung bilisan nyo naman! Excited kami dito oh" sigaw ni woojin sabay sipa kay Jaehwan. Ayan nanaman nagtatalo nanaman sila.

Pero nung nakita ko si jisung iba yung vibe niya, diba dapat excited siya. Kahit naka mask siya, nakikita ko nakasimagot siya. Tsaka yung mata niya namamaga.

    Nung nakita ko si Sungwoon, lalapit na sana ako. Kaso pano kapag nakita ako ni Jisung ?

Maya maya, nakita ko naglalakad papalapit sakin si Sungwoon.

"Hoi hindi ka mag bababye sa boyfriend mo ?"

   "Break na kami"

"Hindi ka mag bababye sa kanya? Kala mo hindi kita makikita noh? Malinaw mga mata ko"

       "Hindi ko nga kayang harapin siya eh, nasaktan ko siya"

"Ewan ko sayo" tapos nalang akong hinila ni Sungwoon papunta sa kanila.

     "Ano bang ginagawa mo, bitawan mo ko" bulong ko.

Huminto si Sungwoon, tapos naramdaman ko yung pagbitaw niya. May bigla naman yumakap sakin.

  "Bakit mo kailangang gawin yon" medyo umiiyak niyang saad. Kaya ayokong magpakita kay jisung eh.

            "Jisung.... pangarap mo yan. Ayoko maging pabigat"

"Hindi ka pabigat, Ikaw nga lagi nagpapagaan ng buhay ko"

      "Pero sa sitawasyong to, iba. Mahal kita, lagi mong tatandaan yan."

"Hyung, tara na" sabi ni seongwoo. Pero ayaw pading bumitaw ng yakap si jisung.

      "Kailangan mo nang umalis, galingan mo ha" sabi ko as i faked a smile, pero deep inside naiiyak din ako. Tumingkayad ako para halikan siya sa noo.

  "Alam ko naman, babalik ka" sabi ko.

          "Sige na, baka maiwan pa kayo ng eroplano" sabi ko, bumitaw na siya tapos may kinuha siya sa bulsa niya, isang sobre.

  "Hintayin mo ko ha" sabi niya bago niya ako halikan sa noo. Tapos nilagay niya sa kamay ko yung sobre.

   "Tara na" sabi ni daniel. Kaya naglakad na sila lahat paalis.

"Bes mamimiss kita" sabi ni sungwoon

       "Ako din bes" sabi ko pabalik.

Nung papasok na si Jisung sa gate, tinignan ko yung likod niya sa huling pagakakataon. Pero hindi ko inexpect na lilingon din siya sakin for the last time.

   Kaya para mamotivate siya kahit papano. Sumigaw ako.

  "FIGHTING MY OPPA!! JISUNG!! SARANGHAE!!"

Habang tumutulo ang luha ko, pero kahit papano napangiti ko siya. Bago siya umalis ng tuluyan at hindi ko na nakita kahit anino niya.

      Finally pwede na akong umiyak,

❝ulzzang❞Where stories live. Discover now