Chapter One

7 1 2
                                    

"Reignnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn" sigaw ng kaibigan ko habang papasok sa bahay namin.

"Makasigaw ka naman akala mo nasa malayo ako. Hmp" sabi ko sakanya sabay taray.

"Sorry na. Asan si tita para makapag paalam na tayo" sabi nya naman at biglang sumulpot si mama sa harapan namin.

"Tita naman baka atakihin ako sa puso nyan eh. Bigla bigla ka nalang sumusulpot. Tita alis na po kame ah hihi :> " pagpapaalam ni Crystal kay mama

"O sige mag-iingat kayo ha tsaka wag masyadong magpagabi. Magdala din kayo ng payong baka biglang umulan. Wag nyo rin kalimutan yung pasalubong hehe." sabi naman ni mama. Kahit kailan talaga napaka isip bata netong mama ko. Pero kahit ganyan yan mahal na mahal ko yan <3

"Bye mama. Itetext nalang kita pag pauwi na ako." sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama.

"Akala ko ba ihahatid tayo ni Manong? Bakit wala sya dito Crystal? " sabi ko. Mukhang alam ko na yung gustong nyang mangyare.

"Coding kase ngayon kaya ayun hehe. Gusto ko din kase magcommute tayo para mas masanay tayo. So ano payag ka ba? " pagpapaliwanag nya sabay nag puppy eyes

"Oo na. Alam mo namang hindi ako makakatanggi basta ikaw ang nag aya eh" sabi ko na ikinatuwa naman nya.

*After 30 minutes*

"Sa wakas nakarating din. Woooohhhhh!" masayang sabi ni Crystal na akala mo ngayon lang nakapunta sa mall

"Kain muna tayo?" aya ko sakanya

"Sige ba. Buti naman nakaramdam ka hehe" sabi ni Crsytal

Nauna syang maglakad habang nasa likuran naman ako. Hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil ngayon nalang ulit kame nakapag bonding ng ganito. Sobrang busy kase sya dahil sinasanay sya ng nya parents nya na hawakan ang kompanya nila. O wag kayo kavouge ang lola nyo hahaha. Hindi ko namalayan na nandito na kame sa.....

JOLLIBEEEEEEE??? Well, akala nyo ayoko dito no? Pwes hindi dahil dito kame laging kumakain ni Crystal. Pumasok na kame at agad na naghanap ng bakanteng upuan. Buti nalang nakahanap kaagad kame.

"Crys ikaw na ang umorder. " sabi ko

"Sige madam. Ano ba ang gusto mo?" sarkastikong sabi nya

"Kaparehas nalang ng sayo" nginitian ko sya pero tinarayan nya lang ako.

Habang nag aantay kay Crystal, naglaro muna ako ng EverWing sa cellphone ko. Nakabalik din naman kagad si Crystal at kumain na kame.

"Anong balak mo? Kelan tayo mag eenroll?" tanong nya

"Sa Friday na daw sabe ni mama para kasabay natin si kuya Namjoon" sabi ko.

"O.M.G!" Kinikilig na sabi ni Crystal

"Oh bat ganyan ka makareact? Crush mo ba si kuya?" dahil sa sinabe ko namula sya. Nakakatuwa dahil ngayon ko lang nakita na kiligin tong babaeng to hahaha

"U-uy h-hindi ah!" Sabi nya na mas lalong ikinamula ng kanyang muhka.

"Talaga lang ha?" Pang aasar ko sakanya

"Bahala ka na nga dyan!" Sabi nya at nag walk out ito. Ang sarap talagang asarin ng bestfriend ko

"Hoy hintayin mo akoooo!" sigaw ko sakanya pero hindi nya ako pinansin

Sinundan ko nalang sya hanggang sa huminto kame sa National Bookstore. Di nya pa rin ako pinapansin kaya hinayaan ko nalang sya. Hindi nya naman ako matitiis eh hahaha.

Humiwalay muna ako sakanya para makapapili na ako ng mga gamit para sa pasukan. Pumunta muna ako kung saan nakalagay yung mga notebook.

wowwwww! ang cute naman ng notebook na to

Ilalagay ko na sana sa basket ang napili kong notebook ng biglang-----

"Sorry miss ako ang nauna sa notebook nayan" giit ng nasa likuran ko

"Teka mister ako ang nauna dito no! Marami pa namang available na katulad nito ah bakit hindi yon ang kuhanin mo!" sigaw ko sakanya. 

"Ano bang pake mo miss. Ako nga ang nauna eh!" pasigaw na sabi niya

"Fine! Sayo na yan tutal marami namang iba jan!" padabog na sabi ko at binitawan na yung notebook.

"Thanks!" sabi nya sabay kindat. Aba ang loko may gana pa talagang kumindat. Arghhhh! Nang aasar ba sya?!

Pinuntahan ko nalang si Crystal dahil nawalan na ako ng gana bumili ng gamit. Sa susunod nalang siguro para makasama ko si kuya.

"Oh bat wala kang bitbit?" nagtatakang tanong ni Crystal

"Sa susunod nalang siguro para kasama ko si kuya, tsaka nawalan na din ako ng gana eh" tinatamad kong saad. Binilisan nya na ang pamimili siguro nakaramdam na sya na wala na ako sa mood. Buti naman at natapos kaagad sya kung hindi baka kanina pa ako nasa bahay neto.

Naglakad na kame papunta sa terminal at kung nagkataon nga naman. Nandun na naman yung lalaki. Ano ba naman tooooo!!!! Bakit ang malas ko naman ngayong araw oh huhu.

"Huy sisteret tingnan mo yun oh! Ang pogi teh!" kinikilig na sabi na habang nakaturo dun sa lalaki na nakipag agawan kanina sakin. Agad naman akong napairap at napabuntong hininga. Hindi ko nalang sya pinansin at nauna ng sumakay. Sumunod nalang sya at dada parin ng dada.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Gucci KingWhere stories live. Discover now