Never Too Late - One Shot

1.1K 15 25
                                    

Naglalakad si Sarah papuntang Dressing Room. Kakatapos lang nang huling araw ng Taping ng Blind Auditions. Ang bilis ng panahon dahil Season 3 na agad ang nasabing programa.

Dalawang taon na din ang nakakalipas mula nang mangyari ang tagpong iyon sa isang Resthouse sa Batangas. Ang araw kung saan sinubukan niyang bigyan ng pagkakataon ang sarili niya na maging masaya kasama si Bamboo.  Hindi pa din niya ito nakakalimutan hanggang ngayon. Nanatili pa din itong may espesyal na puwang sa kanyang puso. Ganun pa man ay magkaibigan na sila ni Bamboo ngayon. Naisip kasi nilang dalawa na masyadong maliit ang mundo ng Showbiz para mag-iwasan silang dalawa.

Nakarating na siya sa Dressing Room. Inabutan niya doon si Matteo, engaged na sila nito at ikakasal na sila in 2 months. Nakaupo ito sa sofa. Abala ito sa pagbabasa ng libro kaya marahil hindi na nito naramdaman ang pagpasok niya. Agad naman niyang binati at tinabihan ito.

“Hi, Matt.”  sabi ni Sarah.

“Oh, andyan ka na pala. Akala ko matatagalan ka pa kaya nagbasa muna ako ng libro.” Sagot naman nito pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi.

“Sorry , natagalan yata ako.” Nakangiti naman na sabi ni Sarah.

Tumingin sa kanya si Matt. Ganun din siya. Nasa ganung posisyon sila ng may marinig sila na nagsalita malapit sa pintuan.  Naiwanan pala niya itong bukas.

“Oops, sorry. Nakaistorbo yata ako.”  Paghingi ng paumanhin ni Bamboo. Nakalimutan kasi niyang kumatok.

“Sir Bamboo.” Bati ni Matt.

“Coach Bamboo, may kailangan po ba kayo?”  tanong naman ni Sarah.

“Pinapatawag ka kasi ni Direk. May pag-uusapan yata tayo.” Bamboo said using a slang tone.

“Sige, Coach Bamboo. Susunod na ako.”  Tugon naman ni Sarah dito.

Tumingin siya kay Matt na para bang nagtatanung kung ayos lang na maiwan itong muli na mag-isa sa Dressing Room. Nakuha naman nito ang nais niyang ipahiwatig.

“OK lang ako dito. I’ll just continue reading the book I was reading before you came here.” Nakangiting sabi naman ni Matt sa kanya.

Napakaswerte niya kung tutuusin. Mahal na mahal siya ni Matt. Iniintindi siya nito. Busy din ito pero lagi itong may oras para sa kanya. Alam niyang mahal niya ito, pero may bahagi pa din sa kanya na kulang at naghahanap ng kasagutan.

“Susubukan kong bumalik kaagad.” Humalik siya sa pisngi ni Matt at nagmadaling lumabas ng pintuan.

Hindi niya inaasahan na makikita niya si Bamboo doon. Ang akala niya ay umalis na ito at nauna nang pumunta sa Meeting Room nila.

“Coach Bamboo, akala ko nauna ka na?” tanong niya dito.

“I just don’t want you to think that I’m not a gentleman.” He was smiling while saying this.

“Ang corny mo, Coach!” sagot naman ni Sarah habang tumatawa. Kahit kailan ay hindi niya inisip na hindi gentleman si Bamboo. Kahit noong mga panahon na hindi pa sila magkatrabaho at isa lang siya sa maraming babae na humahanga dito.

“How is your heart, Serah?” nagulat siya sa tanung nito. Hindi niya alam kung paano sasagot dahil hanggang ngayon naguguluhan pa din siya. He never fails to surprise her. Bigla-bigla itong magtatanung ng ganun pagkatapos ay tatahimik. He is really that weird. You’ll never know what’s been running through his mind.

“Huh?” nagkunwari nalang siya na hindi narinig ang sinabi nito. Halata naman kasing nang-aasar lang ito.

“Nevermind.” Sabi nito. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil hindi na ito nagtanong pang muli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon